58299567-antas-ng-wika
September 5, 2017 | Author: Dave Mactal | Category: N/A
Short Description
Download 58299567-antas-ng-wika...
Description
Assignment: Fil.1
Antas ng Wika
Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon at wikang Filipino para sa mga Filipino. Ang wika ay mayroong apat na antas. Ito ay ang sumusunod: 1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran. Halimbawa: epal (mapapel), istokwa (layas) haybol (bahay) 2. Lingua Franca o Panlalawigan - Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan. 3. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. 4. Pampanitikan - Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Idiyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan. Mga Antas ngWika BALBAL 1. Syota - Kasintahan 2. Chokorandehins - hindi kaibigan 3. Datung- pera 4. Mudracles - ina/nanay 5. Todas- patay 6. Olats- talo 7. Dekwat - nanakaw 8. Chaka-pangit 9. Purita - mahirap 10.Tsongke-marijuana 11.Lafang-kumain ng marami 12.Bratinella- babeng pasaway omaldita 13.Lanjut- malandi 14.Bebot- babae 15.Bokal- Kalbo KOLOKYAL 1. Mayroon- meron 2. Dalawa - dalwa 3. Diyan- dyan 4. Kwarta -pera 5. Na saan- nasan 6. Paano - pano 7. Saakin-sakin 8. Kailan-kelan 9. Ganoon-ganun 10.Puwede-pede 11.Kamusta-musta 12.At saka- tsaka 13.Kuwarto- kwarto 14.Pahingi- penge 15.Naroon- naron LALAWIGANIN 1. Malakat (Hiligaynon)- aalis 2. Natuod (waray) – naniniwala 3. Mapintas (ilocano) – maganda 4. Nasi (kapampangan) - bigas 5. Bilot (Batangueño) –tuta 6. Igsura (bisaya) –ulam 7. Sinsilyo (Bicolano)- barya 8. Luslus (kapampangan) - lu was 9. Amo (Aklanon) - unggoy 10.Hinigugma (Bisaya) – maha
l11.Ilol (pangalatok)- laway 12.Manog (Kiniray-a) –ahas 13.Kalibutan (Bisaya)- Mundo 14.Maupay (bisaya)- maganda 15.Magakal (Maranao)-magsinungaling PAMBANSA 1. Malaya 2. Buhay 3. Pagkain 4. Dangal 5. Tao 6. Takdang Aralin 7. Umaga 8. Simbahan 9. Wika 10.Bansa 11.Bayan 12.Buhay 13.Puso 14.Panaginip 15.Hangrin PAMPANITIKAN 1. Ipamintakasi -ipagdasal 2. Isulat sa tubig - makalimutan 3. Makati ang dila - madaldal 4.naniningalang-pugad –nanliligaw 5.maitim ang dugo – salbahe 6.paham- matalino 7.katoto- kaibigan 8.mapagkandili- mapag –alaga 9.pakikihamok- pakikipaglaban 10.siniphayo-inapi 11.panibugho-pagkainggit 12.mawatasan-maintindihan 13.Pang-uuyam – paglait 14.Nanghihilakbot – Natatakot 15. pag-aglahi- paghamak
Ang WIKA kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't - ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Limang antas ng wika 1.Pabalbal- ay ginagamit sa lansangan, ang wikang sinasalita ng mga walang pinag-aralan. Ito ang pinakamababang antas ng wika. 2.Kolokyal- ito ang wikang sinsalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. 3.Lalawiganin- kabilang sa uri o antas na ito ay ang mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. 4.Pambansa- ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi o bansa. 5.Pampanitikan-ay isang uri ng wika ito ang pinakamayaman na uri. Kadalasay ginagamit ang mga salita sa ibang pakahulugan.
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami. 1. 2.
Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1.
2.
3.
Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sa’kin,kelan Meron ka bang dala? Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino) Gamit ng Wika
“ang gamit ng wika ay upang maihatid ang mga nais o bagay bagay na gustong ipahatid sa isang tao.ginagamit ang wika upang tayo ang magkaintindihan.” Binibigyang linaw dito ang mga variant o mga form na magkaiba na may parehong kahulugan na dala na pagbabago. Tinitingnan ang wika sa loob ng kinikilusang jeograpikal o sosyal na reyalidad. Sosyolinggwistiks Tinatawag na sosyolinggwistiks ang pag-aaral at pagkakaintindi ng iba’t-ibang variant, iba’t-ibang form at straktyur, na tinatakda ng iba’t- ibang kontekstong sosyal. Sa madaling sabi, pag-aaral ito ng kahalagahan at kabuluhan ng mga linggwistikvaryesyon sa mga sosyal straktyur. Nakapaloob dito ang pag-aaral at pagaanalays ng iba’t-ibang anyo o varayti ng isang wika na tinatawag na Dayalek. Dayalektoji ang tawag sa larangan na pinag-aaralan ang mga dayalek ng isang wika. Kahit na may kanya kanyang katangian ang bawat dayalek , nagkakaintindihan ang lahat ng ispiker ng Tagalog. Meron silang mutwal na pagkakaintindihan o mutual intelligibility. ·
Dayalek-jeografi at Dayalek-atlas
Kung may pagbabago o inobasyon, halimbawa sa isang tunog, karaniwang apektado ang buuong komunidad na nagsasalita nung wika kung saan nagkaroon ng pagbabago. Aysoglos ang tawag na nagpapakita ng hangganan ng pagbabago, inobasyon o variant. Kapag nagsama-sama sila sa iisang lugar, sila ay nagbubuklod ng isang dayalek sa isa pang dayalek. ·
Dayalek-atlas
Ang tawag sa nagpapakita ng hangganan ng mga variant para mailarawan ang mga sakop na mga dayalek ng isang wika. ·
Ang kontekstong sosyal
Maoobserbahan na kahit saan, nagugrupo-grupo ang tao batay a ilang kayangian o varyabol, halimbawa, yaman, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. ·
Mga sosyal-varyant
Nagkakaroon ng dayalek ang wika dala ng kontekstong sosyal na nagdedetermin ng mga variant nito. Kaya mahalaga ring malaman kung bakit may mga variant, halimbawa, bakit nagresis o di tinanggapng isang grupo ang inobasyon na gamit o galling ng ibang grupo. Loyalty ng wika ang tawag kung bakit nagkaroon ng mga komunidad ang katunayang sosyal, historical at jeograpikal. Katangi-tangi paring nananatili ang paggamit ng tunog r sa isang grupo ng salita na katumbas ng d, halimbawa, ring-ring –
dingding, ribdib – dibdib at iba pa. Ang Idyolek Tinatawag na Idyolek ang total na katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal. Ang varyant o mga linggwistik na katangian ng isang idyolek sa isang linggwistik-komyuniti ay di kasing laganap sa mga varyant na ginagamit ngjeografik-dayalek o ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang mga ito ng indibidwal. ·
Standard na varayti
Hindi gumagamit ng mga varyant na naiiba sa standard-varayti ang mga nakilalang may pinag-aralan, o di kaya, ang mga gusting hangaan sila. Pinapalitan nila ng mga salitang gamit sa standard ang mga salitang mag-aaydentifay na galling sa isang lugar. ·
Patay na wika
Isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek-ang pagsplit ng isang wika-ang pagkawala o pagkamatay ng isang dayalek dahil hindi na ginagamit ito. Namamatay ang isang wika dahil meron itong kapalit na wikang mas pinapaboran ng mga myembro ng komunidad. ·
Pidjin at kreyol
Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nadedevelop na bagong wika. Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidjin ang tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya ng kahit mali mali, hanggang magkaintindihan ito. Kreyol naman ang tawag sa wikang nadedevelop sa isang pidjin at nagging unang wika ng isang lugar. ·
Paghahalo ng mga kowd
Tinatawag na kontak-langwej ang isang pidjin dahil bung ito ng pagsisikap ng mga taong magkaiba ang wika ng magkaroon ng kontak. Kabilang dito ang kowd-switching o paglilipat ng mga preys o sentens mula sa ibang wika. UGNAYAN NG WIKA AT TAO Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatwid, wika ang ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang kapwa. Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang wikang ginagait ng tao. Subalit noong nagtayo ng lungsodang mga tao na halos abot sa langit ay lubos na nabahala ang Diyos dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy ang kanilang balak. Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay dinevelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t-ibang kaalaman. Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at klasikong griyego, huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at nagbigay sa atin ng talino upang makatuklas ng mga bagay na maaari nating magamit sa araw-araw. Ugnayan ng wika at kultura Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang siasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong magiging bahagi ng wika ng isang lahi. Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong definisyon, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Samakatwid, hindi pweding paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya kung saans kultura siya nabibilang. Ugnayan ng wika at lipunan Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wiak. Halimbawa nito ay ang Filipino, Ingles, Prances at iba pa. Sa pilipinas ay may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol. Dayalek ang tawag sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o varayti sa loob ng wika. Halimbawa na lamang ng mga varayti ng Tagalog. Meron tayong Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan at iba pa. Ang Idyolek naman ay masasabing isang finger prints ng isang tao dahil tanging kanya lamang. Dito makikita ang istilo ng isang individwal sa pagsasalita. Tinatawag na Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa lipunang ginagalawan. Kabilang naman sa mga Islang words ang haleer, yuck, praning, japorms, windang at iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan. Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita na tinatawag na Gay lingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa kanilang grupo. Bawat profesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi basta mauunawaan ng hindi ganoon ang trabaho. Ito ay tinatawag na Jargon. Meron din tayong tinatawag na Rejister. Ito ay nakabatay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik.
View more...
Comments