50 Tula para Sayo

July 5, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download 50 Tula para Sayo...

Description

 

50 Tula Para Sayo (Unang Kabanata) 1. Sa mundong to tayo'y napapaligiran ng maraming tao Ngunit di ko akalain na tayo'y magtatagpo Sa panahong lumilipas Ngiti mo saking mga mata'y walang kupas 2. Sa bawat pagsulyap Mata'y ayaw nang kumurap Sa bawat tingin sa iyo Ayaw mawalay kahit isang Segundo 3. Ito bang aking nadarama Kapag inialay sayo'y kulang pa? Binibining aking natagpuan Handang samahan kahit malakas ang ulan 4. Ulan na patuloy na nararamdaman sa bawat patak Sa aking braso ako'y iyong hinatak Naglakad ng di ininda ang pagod Mangalay man ang aking tuhod 5. Sa muling pagkikita di inaasahang ka'y saya Muli ulit kitang nasulyapan napaka swerte ko di ba? Sa lahat ba naman ng taong makakasama ka ako pa? Grabe mapagbiro talaga ang tadhana 6. Paglipas ng ilan pang mga araw, linggo, at buwan Tila ba ikaw na lagi ang nasa puso't isipan

Aabot ako sa puntong makiki-usap sayong wag ka nang lumisan Na dito ka nalang sa tabi ko at wag mo kong iwan

 

7. Hindi ko kakayanin kapag ika'y nawala Kakapusin ang mga bawat salita Mga hakbang patungo sa daang di ka makikita Babalik nalang ako sa ulan at doon magpapatila

8. Makasama ka man kahit saglit Mga oras na walang kapalit Kung pwede lang patigilin ang oras Sa pag-ibig kong ito'y wala nang lunas 9. Ako'y isang simpleng lalaki na naghahangad ng pagmamahal Pagmamahal na nagtatagal Di papansinin ang bawat salitang pagbigkas man ay pautal-utal Ang mahalaga ay ikaw lang ang aking minamahal 10. Wala nang rason para lumingon sa iba Kuntento na ako sa prinsesa kong nakita Siya na lamang ang sa paningin ko'y maganda At siya ang babaeng gusto kong makasama hanggang pagtanda 11. Magkaroon man ng mali sa kanya Ugali, pisikal na kaanyuan, oh kung ano pa Iintindihin at uunawain kita at para sa akin? Siya na talaga at wala nang iba 12. Sa bawat pagkakataong ika'y nahahagkan Halik sa noong aking gustong balikan Paghawak sa kamay mong tila ba ayaw nang bitawan At sa pagngiti mong nakakapawi ng pagod at kalungkutan

 

13. Siya na ba talaga siya? Talaga bang siya na? Tanong sa aking isipan na nasagot na pala pangalan niya.

14. Away na di napag-usapan Iyak na tila ba ulan Sana lahat ng problema ay kalimutan Dahil kapag nagpatuloy ay lalong masasaktan. m asasaktan. 15. Sakit na nararamdaman Sana'y tumila na ang iyak na ulan Mahigpit na yakap sa mga unan Sana'y ikaw nalang ang nahahagkan 16. Sa paglipas ng oras ang tanging iniisip ay ikaw Nalulungkot sa pagkat ang mga ngiti mo'y di matanaw Sa mga titig mo ako'y natutunaw Handang harapin ang lahat maging bumabagsak na bulalakaw 17. Bakit ba ang pag-ibig na ito'y ka'y sakit Sa bawat pagkagalit ay may pait Pero hindi parin ako maghahanap ng kapalit Makita ka lang masaya lang ang gustong kong makamit 18. Bawat salitang aking binaybay Pakiramdam ng nalulumbay Pag siya'y nawala sa aking buhay? Ang mundo ko'y mawawalan ng kulay.

 

19. Iyong nasabi sa akin na ako'y ngumiti di ba? Ako'y ngingiti para sayo at para makita ng iba Na kaya ko bumangon, tumayo sa sarili kong paa ngunit di ko ata kaya Bumangon, sapagkat di ko kayang mag-isa, paki-usap wag kang mawawala.

20. Ako'y nadadala ng damdamin at nakakasambit ng masakit na salita At bulag para hindi iyon makita Subalit ako'y humihingi ng kapatawaran sa inasal at ginawa Pero nagmamakaawa akong ako'y iyong patigilin sa pag-agos ng aking nga luha. 21. Sa aking mga mata ikaw lamang sinta Kung papipiliin sa lahat, sa kanila Bakit ako mamimili kung ikaw na talaga? Kahit magbago man ang takbo ng oras, ikaw na lang ang mamahal ko wala nang iba. 22. Sana sa pagmulat ng iyong mga mata m ata ako parin ay Makita Matanaw sa bawat araw tuwi tuwina Sa bawat pagtapos ng araw ay makasama m akasama Hihiling ako sa milyong milyong mga tala, na pasayahin ka at punasan ang mga luha 23. Sa mga problema mong pilit na kinakaya Handa akong kunin ang bigat na nadarama Sa bawat lungkot na hatid ko at problema Wag ka mag-alala pipilitin kitang pasayahin kasi mahal kita 24. Ang tanging hiling ko nalang talaga Ay mahalin ka ng buo kahit ang mga ngiti ko'y ko 'y di na makita Sapagkat ang mga ngiting ito'y nakalaan na sa babaeng nagbibigay sa akin ng saya Babaeng nagparamdam sakin kung gaano ako kahalaga.

 

 25. Basta lagi mong tatandaan sinta Mahal na mahal na mahal kita Ikaw nalang ang gustong mahagkan, mahawakan, at makasama Hindi ko man maibigay ang mundo, ang tanging maibibigay ko lang sayo ay mga ngiting ito Ngiting nagsasabi "ayan, ayan ang babaeng dahilan kung bakit ngumingiti ako." 26. Sa aking pagtulog ika'y nasa aking isipan Mga ngiti mong dulot sakin ay kasiyahan Pinagsamahan sa saya man o kalungkutan Patuloy tayo gagawa ng mga ala-alang hinding hindi natin malilimutan 27. Sinta sa bawat oras ng paghihintay Pasensya at pagiintindi ang binibigay Dahil ang pagmamahal mo ay walang ka-pantay Kaya sayo, ayaw nang mawalay 28. Sa dami ng ating ginagawa Oras para sa isa't isa ay di parin nawawala Di hahayaan sa bawat araw na mawalan ng oras Dahil kung wala ka hindi ko kaya harapin ang bukas 29. Iniisip ka araw man o gabi Ang nais ko lang naman ako'y nasa iyong tabi Makasama ka at masdan ang mga tutubi Malayang lumilipad pero hindi magpapahuli 30. Segundo, Oras, minuto, buhay ko’y para sa’yo sa’yo Linggu-linggo, buwan-buwan, hindi kita iiwan

At lumipas man ang mga taon Mahal kita mula noon hanggang ngayon.

 

31. Mahirapan man sa problema kakayanin para sayo Sa hirap man o ginhawa magkasama tayo Iniibig ng tapat at totoo ng puso kong ito Dahil ikaw ang magiging tahanan at mundo

32. Sa aking bawat paggising Mukha mo saking mata'y nagniningning nagniningning Ikaw, ikaw nalang ang aking tanging hiling Na balang araw ang iyong daliri'y aking lalagyan ng singsing 33. Ang oras ay sobrang tulin Pero gaano man kabilis oras mo'y hahabulin Atensyon mo'y pilit kukunin At lahat ng iyong ngiti ay iipunin 34. Pag-ibig kong to para sayo ay wagas w agas Pilit babangon dahil ikaw ang nagbibigay lakas Puso ko man iyong pigain pagmamahal ko sayo'y ibang ang katas Lahat ng aking sinasambit ay totoo at alam ng nasa itaas 35. Sa bawat simoy ng hangin na aking nadarama Alaala ng pagdapo ng iyong kamay ay hinahanap pa Hinahanap ka kung di ka makita at makasama Dahil ang puso ko'y iyong hawak at ito'y nasa iyo na 36. Sa bawat pagbigkas ay paglahad ng gustong sabihin Sa bawat problema at paghihirap ay tatapusin Magtampo, magalit man ng paulit ulit ika'y aking susuyuin Mahalin ka, pasayahin ka, ingatan at protektahan yan ang aking tungkulin

 

37. Di ko maiwasang isipin ka Ikaw ang nais makasama tuwing nag-iisa Nais hawakan ang kamay kahit prinsensya mo'y wala Ang pag-ibig kong to'y totoo at tama

38. Kapag nagkatampuhan mundo'y kumukulimlim Tuwing nagtatalo'y dumidilim Sa aking pag-iyak pilit naghahanap ng lilim Pero aking sinta sayo'y walang itatago at ililihim 39. Ikaw lamang ang aking pakamamahalin Ang matang ito'y sayo lang titingin Hanggang kahit ako pa'y tangayin ng hangin Ikaw lamang, ang s'yang iibigin 40. Sobra ang saya, nakikita sa aking mga labi Sa pag-ibig mo'y sinisigurado at di minamadali Nais ipaalam na ika'y king pag-aari Mahalin ang isa't isa at pag-ibig natin ay maghahari 41. Sa tamis ng iyong ngiti baka ako'y langgamin Pagmamahal na kulang handang punuin Bawat tanong na gumugulo sayo'y handang sagutin Puso nagsasabing mahalin ka ng sobra ay aking susundin 42. Lahat ng sakit na madarama ay aking tatanggapin Lungkot sa iyong mukha'y pilit aalisin Daga't ng luha'y kakayaning languyin Ngunit sa lahat ng ito'y ikaw parin ang nais mahalin

 

43. Sa pag-ibig ako'y malalasing Walang paki-alam basta maiparamdam ang lambing Pagmamahal sayo ay nang galing Nagpapasalamat at pinagpalang ika'y dumating

44. Ang pagmamahal ko para sayo'y buong pusong aaminin Balak ko sana ang aking pagmamahal sayo'y alukin Sa lahat ng manghuhusga satin ay aking sasalagin Sapagkat ikaw, ikaw ay aking aangkinin 45. Lalayuan ko ang bawat tukso Ang nais lamang ng pusong ito Manatili sa tabi at piling mo Hindi ako naghahangad pero ikaw ang hihilingin ko 46. Ako sayo'y nahihibang Tila ba una kang nakita at naiilang Sa bawat tibok ako'y nagbibilang Ang puso'y hindi magkukulang 47. Sinta ako ang piliin mo Ikaw, ikaw ang magiging prinsesa ko Ngunit pagpasensyahan ang maliit na kastilyo Tanging yakap at lambing ko pa lamang ang pundasyon nito 48. Hindi mo na mapipilit ang puso'y tumigil Dahil ang pag-ibig kong to'y walang makakapigil Tuwing nakikita ka ang oras ay tumitigil Kaya bawat oras ay sinusulit na may kasamang gigil

 

 49. Sa bawat hakbang ng iyong paa Nandito ako sa likod mo aalalayan ka Susuportahan ko ang gusto ng aking prinsesa Sasamahan kita kahit nahihirapan ka na

50. Ito ang aking singkwentang tula Ngunit ako parin sa kanya ay titingala Dahil nagbigay ang nasa itaas ng isang tala Mahal, nagsisimula palang ang ating unang kabanata k abanata

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF