4 q Lesson Plan in p.e ( Aralin 1-8)
December 3, 2017 | Author: Lilogger Kennedy Freeman | Category: N/A
Short Description
xdgfsadd...
Description
Petsa: ____________________________
2:30 – 3:10 3:30 – 4:10 4:10- 4:50 5:10- 5:50
IV – DEL PILAR IV- BONIFACIO IV- QUEZON IV- RIZAL
Aralin 1: PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill- Related Fitness Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
I. Layunin 1. Natutukoy ang mga sangkap ng skill-related fitness. 2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ang kasiglahan at kalakasan ng ating katawan. 3. Napahahalagahan ang mga sangkap ng skill-related fitness upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating physical fitness. II.PaksangAralin Paksa: Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-Related Fitness Kasanayan: Skill-Related Fitness Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng skill-related fitness sa katawan Sanggunian: MAPEH 4 Kagamitan: Filipino Physical Activity Pyramid Guide III.Pamamaraan A. Pang –araw-araw na Gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa MAPEH 4; 3. Balik-aral: Tanungin ang mga bata sa mga natutuhan sa mga nakaraang aralin tungkol sa sangkap ng skill-related fitness. B. Panimulang Gawain 1.Ipabasa ang talaan at lagyan ng tsek ang kolum kung ang mga gawaing pisikal (physical activity) na nabanggit ay lumilinang sa mga sangkap ng skill-related fitness. Kopyahin nila ang talaan at sagutan sa kuwaderno. 2. Sagutin ang mga katanungan. C. Panlinang na Gawain Muling bigyan ng pansin ang anim na sangkap skill-related fitness.
D. Paglalapat Ang klase ay hahatiin sa anim na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang sangkap ng skill-related fitness. Bibigyan ng laang oras ang bawat pangkat upang umisip ng isang gawain, laro/isports, at sayaw na lumilinang sa ibinigay na sangkap sa grupo. Sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon, ipakikita ng bawat pangkat sa buong klase ang naisip na gawain, laro/isports, at sayaw. Huhulaan ito ng iba pang pangkat. Ang sinumang makahula ay bibigyan ng karampatang puntos
E. Paglalagom Ang agility (liksi), balance (balanse), coordination (koordinasyon), power, speed (bilis), at reaction time ay mga sangkap ng skill-related fitness na dapat linangin upang magawa nang buong husay ang mga kasanayan sa paglalaro, pagsasayaw, o mga gawaing pang-araw-araw. IV. Pagtataya 1. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nasa kahon at sagutin ang tanong. 2. Gumuhit ng mga gawaing nakalilinang ng mga sumusunod na sangkap ng skillrelated fitness. Gumawa ng isang islogan na naaayon kung paano ito mapauunlad: a. Agility (liksi) b. Speed (bilis) c. Power V. Takdang- aralin Laging isaisip na sa lahat ng ating pang-araw-araw na gawain ay ginagamit natin ang mga sangkap ng skill-related fitness upang mas maging madali at ligtas ang mga gawain. Gumawa ng personal na kontrata para sa paglinang ng mga sangkap na nabanggit. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
Petsa: ____________________________
2:30 – 3:10 3:30 – 4:10 4:10- 4:50 5:10- 5:50
IV – DEL PILAR IV- BONIFACIO IV- QUEZON IV- RIZAL
Aralin 2: PAGLINANG NG BALANSE
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto I. Layunin 1. Naipaliliwanag ang mga kabutihang idunudulot ng likhang sayaw sa paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan. 2. Naisasagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsasayaw . 3. Nabibigyang-halaga ang mga kabutihang idinudulot ng likhang sayaw sa paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan II.PaksangAralin Paksa: Paglinang ng Balanse Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang dulot ng likhang sayaw sa kalusugan ng katawan. Sanggunian: MAPEH 4 Kagamitan: CD player, cds, 2 pirasong patpat o 2 piraso ng bao (ikalawang pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.) III.Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4; pp. 3. Balik-aral: Balik-aral sa gawaing lokomotor B. Panimulang Gawain (Simulan Natin) Ipakita sa mga bata ang larawan. Tanungin kung alin sa mga larawan ang nasubukan nilang gawin? C. Panlinang na Gawain Ipaliwanag kung ano ang balance
D. Paglalapat Ipasagawa sa mga mag-aaral ang Balanse “Backward Hop”. E. Paglalagom Ipaliwanag sa klase na ang balanse ay mahalagang physical fitness components. IV. Pagtataya Tanungin ang mga bata tungkol sa isinagawang “Backward Hop”. Ipasagot ang mga tanong sa Suriin Natin. V. Takdang-aralin Ipagawa sa mga mag-aaral ang personal na kontrata para sa paglinang ng balanse. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
Petsa: ____________________________
2:30 – 3:10 3:30 – 4:10 4:10- 4:50 5:10- 5:50
IV – DEL PILAR IV- BONIFACIO IV- QUEZON IV- RIZAL
Aralin 3: PAGLINANG NGREACTION TIME Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto I. Layunin 1. Naipaliliwanag ang mga kabutihang idunudulot ng likhang sayaw sa paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan. 2. Naisasagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsasayaw . 3. Nabibigyang-halaga ang mga kabutihang idinudulot ng likhang sayaw sa paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan II.PaksangAralin
Paksa: Paglinang ng Reaction Time Kasanayan: koordinasyon, reaction time, at flexibility. Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng likhang sayaw sa kalusugan ng katawan. Sanggunian: MAPEH 4 Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao (ikalawa pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.) III.Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotang pampisikal na gawain 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4; pp. 3. Balik-aral: Balik-aral tungkol sa paglinang ng balanse B. Panimulang Gawain Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan at tanungin sila kung naranasan na ba nilang tumugon sa isang pangyayari na mabilis nilang naisagawa ang kanilang reaksyon C. Panlinang na Gawain Pagpapaliwanag tungkol sa reaction time.
D. Paglalapat Ipapakita ng guro ang tamang pagsasagawa ng Coin Catch. Pagkatapos ng pagsasagawa ng alituntunin ng Coin Catch hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Isasagawa nang ilang ulit ng bawat pangkat ang “Coin Catch B” upang ito ay maisagawa nang tama at malinang ang kasanayan. E. Paglalagom Sabihin na ang reaction time ay mahalagang physical fitness components upang lubos na makagawa nang mahusay na gawain. IV. Pagtataya Ipasagot sa mga bata ang mga katanungan ukol sa nararamdaman sa katatapos na gawaing Coin Catch. V. Takdang-aralin Ipagawa sa mga mag-aaral ang personal na kontrata para sa paglinang ng reaction time. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
Petsa: ____________________________
2:30 – 3:10 3:30 – 4:10 4:10- 4:50 5:10- 5:50
IV – DEL PILAR IV- BONIFACIO IV- QUEZON IV- RIZAL
Aralin 4: PANGUNAHING KAALAMAN SA SAYAW NA BA- INGLES Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
I. Layunin 1. Naiisa-isa ang mga katawagan sa sayaw. 2. Nasusuri ang pagganap ng mga mag-aaral sa mga pangunahing hakbang. 3. Naipakikita ang kamalayan sa kahalagahan ng sayaw. II.PaksangAralin Paksa: Ba-Ingles Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng sayaw sa katawan. Sanggunian: MAPEH 4 Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao (ikalawang pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.) III.Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4 3. Balik-aral: Magtanong tungkol sa sayaw na Liki.
B. Panimulang Gawain Talakayin ang tungkol sa pinagmulan ng sayaw, ang isinusuot ng mga sasayaw, at mga kagamitan na gagamitin sa pagsayaw. C. Panlinang na Gawain Talakayin at isagawa ang mga katawagan ukol sa sayaw: point step, walking step, change step, 3-step turn, bow, paano pumalakpak para masundan ang rhythm, kumintang, girls holding skirt, boys hands on waist, passing by right to right shoulder, touch step, curtsy, stand side by side, 4 steps in place, facing each other, towards the partner and away from the partner. D. Paglalapat 1. Sanayin nang paulit-ulit ang mga isinasakilos na mga katawagan sa sayaw at lapatan ng musika. 2. Ulitin hanggang matutuhan nang lubusan ng mga mag- aaral. E. Paglalagom 1. Pangkatin ang mga bata at ipagawa sa kanila ang natutuhang mga galaw sa pagsayaw sa pamamagitan ng: a. bilang o palakpak o paggamit ng patpat; b. musika. F. Pangwakas na Gawain Pasayawin nang pangkat-pangkat ang mga bata sa saliw ng musika. IV. Pagtataya Tradisyunal/Performance na naaayon sa layunin ng aralin gamit ang rubrics. Pangkat
Napakahusay Naisasagawa nang walang pagkakamali at magiliw ang mga hakbang ng sayaw
Mahusay Naisasagawa nang walang pagkakamali ang mga hakbang ng sayaw
Di-gaanong mahusay Naisasagawa ng hindi wasto ang mga hakbang ng sayaw.
V. Takdang-aralin Sabihan ang mga bata na magsanay sa bahay sa mga hakbang ng pagsayaw at ipasaulo ito.
Petsa: ____________________________
2:30 – 3:10 3:30 – 4:10 4:10- 4:50 5:10- 5:50
IV – DEL PILAR IV- BONIFACIO IV- QUEZON IV- RIZAL
Aralin 5: PANGUNAHING KAALAMAN SA PAGSAYAW NG BA- INGLES Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
I. Layunin 1. Nagagamit ang rubric o checklist sa pagsusuri ng pagsasakilos ng mga mag-aaral sa mga hakbang ng sayaw. 2. Naisasakilos ang galaw bilang pagsunod sa oral instruction. 3. Naipapakita ang kamalayan sa kahalagahan ng sayaw na BaIngles II.PaksangAralin Paksa: Ba-Ingles Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng sayaw sa katawan. Sanggunian: MAPEH 4 Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao (ikalawang pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.) III.Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng atendans at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4 3. Balik-aral: Magtanong tungkol sa terminolohiya na may kaugnayan sa sayaw na Ba-Ingles. B. Panimulang Gawain Talakayin ang mga hakbang sa pagsayaw ng Ba-Ingles. PANIMULA Music Introduction Three-step right in place and bow to partner or audience, Girl holding skirt, Boys hands on waist. . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . 2 M I Music A (a) Starting with R foot, take four change steps forward to meet partner at center. Kumintang R and L alternately, free hand on waist. . . . 4 M
(b) Turn right about and repeat (a) going to proper places. Finish facing partner, turning right about . . .. . . . . . . . . . . . 4 M (c) Repeat (a) and (b). . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 M II Music The movements of Boy and Girl are done simultaneously. Boy (a) Starting with R foot take four change steps forward to partner’s right side (take bigger steps to reach partner’s side), kumintang hands as in figure I(a) . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 M (b)Turn right about and repeat (a) going to proper places. Finish facing partner, turning right about. . . . . . . . . . . . . . . . . 4 M (c) Repeat (a) to partner’s left side. . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 M (d) Repeat (b). . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 M Girl Clap hands three times to measure (cts. 1, and, 2) throughout this figure. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16 M III Music B Throughout this figure kumintang R and L alternately as in figure I (a). (a)Partners take two change steps forward, starting with R foot, to meet at center.. . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . . . . . 2 M (b)Change-step turn right (use two change steps) in place. Finish the turn in front of partner, facing each other. . . 2 M (c)Two change steps forward, passing by each other’s R shoulder, going to partner’s place. . . . . . . . . . . . . . 2 M (d)Change-step turn right about (use two change steps). Finish facing each other. . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 M (e)Repeat all (a-d) finishing in proper places. . . . . . . . . . . 8 M IV Music C. Play slowly. (a) Starting with R foot, take four steps forward to meet at center, Girl holding skirt, Boys hands on waist. . . . . . . 2 M
(b) Face left and step R foot sideward (ct.1), point L foot across R in rear and bend knees slightly, kumintang R hand, L hand on waist (ct.2). Partners stand side by side by the R shoulders and looking at each other. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 M (c )Step L foot sideward (ct.1), turn right about and point R across the L in rear. Bend the knees slightly, kumintang L hand, R hand on waist (ct.2). Partners stand side by side by L shoulders and looking at each other. . . . . .. . . 1 M
(d) Facing each other and starting with R foot, take four steps backward to proper places. Hands as in (a). . . . . . . . 2 M (e) Four steps in place, starting with R foot. Hands as in (a). . . . 2 M (f) Repeat all (a-e). . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 M V Music A Repeat figure I. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16 M VI Music B Repeat figure II. This time Girl goes to the right and then to the left side of partner, Boy claps hands. . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16 M VII Music B Repeat figure III. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16 M VIII Music C Repeat figure IV. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .16 M SALUDO Music Finale Three-step right in place and bow to partner or audience, Girls holding skirt, Boys hands on waist. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 M C. Panlinang na Gawain Isasagawa ang mga sa pagsayaw ng Ba-Ingles. D. Paglalapat 1.Sanayin nang paulit-ulit ang mga hakbang sa pagsayaw ng Ba- Ingles at lapatan ng musika. 2. Ulitin hanggang matutuhan nang lubusan ng mga mag- aaral. E. Paglalagom 1. Pangkatin ang mga bata at ipasasagawa sa kanila ang natutuhang mga galaw sa pagsayaw sa pama- magitan ng: a. bilang o palakpak o paggamit ng patpat b. musika F. Pangwakas na Gawain Pasayawin nang pangkat-pangkat ang mga bata sa saliw ng musika. IV. Pagtataya Tradisyunal/Performance na naaayon sa layunin ng aralin gamit ang rubrics Pangkat Napakahusay Mahusay Di-gaanong mahusay Naisasagawa Naisasagawa Naisasagawa ng hindi nang walang nang walang wasto ang mga pagkakamali at pagkakamali ang mga hakbang ng sayaw. magiliw ang mga hakbang ng sayaw hakbang ng sayaw V. Takdang-aralin Sabihan ang mga bata na magsanay sa bahay ng mga hakbang sa pagsayaw at ipasaulo ito.
Petsa: ____________________________
2:30 – 3:10 3:30 – 4:10 4:10- 4:50 5:10- 5:50
IV – DEL PILAR IV- BONIFACIO IV- QUEZON IV- RIZAL
Aralin 7: Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness (Post-test) Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
I. Layunin 1. Nasusubukang muli ang antas ng physical fitness. 2. Natutukoy kung ano ang estado ng physical fitness kumpara sa naunang pagsubok o pre-test. 3. Naisasagawa ang pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness o physical fitness test. II.PaksangAralin Paksa: Physical Fitness (Post-test) Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility Pagpapahalaga: Kabutihang dulot ng physical fitness. Sanggunian: MAPEH 4 Kagamitan: Physical Fitness Passport Card, tungtungan o hagdan III.Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Magtanong tungkol sa katutubong galaw sa makabagong sayaw. B. Panimulang Gawain Sabihan ang mga mag-aaral na muling pag-aralan ang Physical Fitness Passport Card na siyang naging talaan ng mga Pre-test scores. Tanungin ang mga bata kung anong sangkap o component sila o malakas. Tanungin sila kung ano-anong mga gawaing pisikal (physical activity) ang kanilang mga ginawa para mapaunlad ang mga sangkap na ito. C. Panlinang na Gawain Sa patnubay at gabay ng guro, ipasagawa sa mga mag-aaral ang mga pagsubok nang naaayon sa tamang alituntunin at kaligtasan.
D. Paglalapat Ipagawa sa mga bata ang iba’t ibang pagsubok. E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng wastong kaisipan sa iba’t ibang pagsubok. Itanong kung aling gawaing pagsubok ang dapat mauna at dapat mahuli. IV. Pagtataya Muling ipagawa sa mga mag-aaral ang mga pagsubok upang malaman kung ano ang estado ng kanilang physical fitness kumpara sa paunang pagsubok o pre-test. V . Takdang-aralin Sabihan ang mga bata na bago nila itaya ang kanilang sarili sa mga pagsubok ng mga sangkap ng physical fitness, nararapat lamang na muli nilang tandaan ang mga alituntunin para sa wastong pagsasagawa ng mga ito.
Petsa: ____________________________
2:30 – 3:10 3:30 – 4:10 4:10- 4:50 5:10- 5:50
IV – DEL PILAR IV- BONIFACIO IV- QUEZON IV- RIZAL
Aralin 8: ANG PAGSUBOK SA MGA SANGKAP NG PHYSICAL FITNESS Pangangasiwa ng Katawan Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto I. Layunin 1. Nasasagutan ang fitness passport card at post-test. 2. Naisasagawa ang mga gawaing nasa talaan ng iskor sa mga pagsubok ng physical fitness II.PaksangAralin Paksa : Pangangasiwa ng Katawan Kasanayan: Health-related at Skill-related Physical Fitness Components Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang dulot ng fitness level ng mga mag-aaral. Sanggunian: MAPEH 4 Kagamitan: fitness passport card, talaan ng iskor sa mga pagsubok ng physical fitness III.Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1.Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotang pampisikal na gawain. 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa MAPEH 4; pp. 3. Balik-aral : Tanungin ang mga bata sa mga natutuhan sa mga nakaraang aralin tungkol sa Filipino Pyramid Activity gaya ng kahutukan, bilis, lakas ng kalamnan, puwersa at liksi. B. Panimulang Gawain (Simulan Natin) Gabayan at ipaliwanag sa mga bata ang pagsasagawa ng mga gawain sa “Simulan Natin”. C. Panlinang na Gawain (Ipagpatuloy Natin) Ipabasa sa mga bata ang “Ipagpatuloy Natin” at ipaliwanag ito sa kanila.
D. Paglalapat: (Gawin Natin) Ipalabas sa mga bata ang kanilang Talaan ng Iskor sa mga Pagsubok ng Physical Fitness at ipagawa ang “Gawin Natin” E. Paglalagom (Tandaan Natin) Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng kaisipan na nauukol sa mga pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness F. Pangwakas na Gawain Sabihin sa mga bata na mag-cool down at kaunting stretching. IV. Pagtataya (Suriin Natin) Ipagawa sa mga bata ang gawain sa “Suriin Natin”. V.Takdang-aralin/Pagbibigay-halaga sa Aralin (Pagbutihin Natin) Ipagawa ang nasa LM “Pagbutihin Natin”
View more...
Comments