4 Pilipinolohiya-Covar at Salazar
October 12, 2017 | Author: Alex Migallos | Category: N/A
Short Description
Download 4 Pilipinolohiya-Covar at Salazar...
Description
P/FILIPINOLOHIYA ni Covar Ito ay “sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, Pilipinong kultura, at Pilipinong lipunan upang palitawin ang pagkaPilipino.” Lahat ng tao ay may kaisipan, kultura, at lipunan: mga ugat na basihan ng pagkatao. Ang laman ng 3 malalaking antas ng karunungan ng Pilipinolohiya ay bunga ng Pilipinong pag-iisip at karanasan. •
Larangan ng kaisipan
Tao ay isang banga. Ito may labas, loob, at lalim. Binubuo ng katawang lupa at kaluluwa. Kapag namatay ang tao, katawang lupa ay nagiging alabok; kaluluwa ay yumayao at pumapanaw. Sa Pilipino, tanda ng pagkamatay ay paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan; sa Amerikano, ang ”brain dead” ay tanda ng pagkamatay. •
Larangan ng kultura e.g., Wika
Imbentaryo ng mga tunog ng isang wika ay ayon sa tambalan ng mga tunog. Halimbawa, kung may P malamang may B may T malamang may D may K malamang may G iba’t ibang kalidad ang bawat tunog (Tag-Vis)
• Larangan ng lipunan e.g., Sambahayan Figura 1. Konsepto ng istruktura ng Pilipinong sambahayan ay extended family
1
5
2
6
3
7
1 1
4
8
9
1 2
1 / 2 at 3 / 4 ay magbalae 8 ay manugang ng 1 / 2; 10 ay manugang ng 3 / 4 1 / 2 ay biyenan ng 8; 3 / 4 ay biyenan ng 10 5 at 7 ay magbayaw; 8 at 6 ay maghipag 7 at 9 ay10 magbayaw; 10 at 8 ay maghipag 5 at 8 ay magbilas; 10 at 7 ay magbilas
1 0
P/FILIPINOLOHIYA … ayon kay Covar Ito ay “sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, Pilipinong kultura, at Pilipinong lipunan upang palitawin ang pagkaPilipino.” P/FILIPINOLOHIYA ... ayon kay Salazar Ito ay ang ”pag-aaral ng Kapilipinuhan, pagkaPilipino at mga anyo’t paraan ng pagpapakaPilipino.”
Mga larangan ng P/Filipinolohiya Para kay Covar – Wika, sikolohiya, pilosopiya, relihiyon, musika, pagguhit, eskultura, sayaw, arkitektura, drama, panitikan, at pelikula Para kay Salazar – Maaaring isama ang larangan ng agham, teknolohiya, politika, komersyo, pamamahala, ekonomiya at iba pa basta ito ay may kinalaman sa mga Pilipino, pagkaPilipino at mga anyo’t paraan ng pagpapakaPilipino.
View more...
Comments