2016,BALAGTASAN

September 12, 2017 | Author: Ariel Jr Riñon Magana | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

filipino...

Description

2016 JMN BALAGTASAN: Isang pagtatanghal para sa Buwan ng Wika SINO ANG DAPAT TULARAN, ANG MAY INTERES O WALA SA PAG-AARAL? Ni: Jysan M. Napoles LAKANDIWA: Mapayapang pagbati po ang nais kong ipaabot Sa lahat ng nariritong nakikinig, nanonood Lalong higit sa mga gurong di na yata natutulog Dahil sa katungkulan at dibosyong nag-uutos

Sa ilaw po ng tahanan, mga inang maalaga Sa haliging anong tibay, mga amang mapagpala Pag ang ilaw ay nawala ang haligi’y umuuga Edukasyon ang tutugon sa tahana’t buong bansa

Pasensya na kayong lahat kung kami ma’y makialam Sa usaping apektado ang maraming kabataan Edukasyon ang siyang susi sa marangyang kabuhayan Kamangmangan ang salarin sa dagok ng kahirapan

Ang paksa po natin ngayon ay napapanaho’t dapat pagtalunan Ang tanong po’y sino ang dpt tularan,may interes o wala s knilang pagaaral? Pagkat kanilang mga grado ay talagang nagbabagsakan Kaya’t ating aalamin , ang mga kadahilanan

Ang panig po ng may interes kanina pa nakatingin Gusto na niyang isiwalat kanyang mga sasabihin Kaya tayong naririto palakpakang masigabo Kay Camille Perucho na knina p tumatakbo.

2016 JMN MAY INTERES Ako po ay makatang sa tulaa’y sadyang hinog Sa labanan ang katulad ay kidlat at saka kulog Sa pagtula nalilibang, sa pagtula nabubusog, Kaya’t handang ipagtanggol,panig ko khit ako’y tulog!

Ang ipagtatanggol ko po ay may interes na tunay Sa mga aralin na aking dapat matutunan Pagkat ang sabi sa akin ng minamahal kong magulang Karununga’y kailanman ito’y ndi mananakaw!

Ano nga bang mapapala ng mga kabataan Na walang interes sa knilang pag-aaral Kundi ang manghingi ng baon araw-araw Upang sila ay bumili ng limampisong lugaw LAKANDIWA: Atin ngayong mapapansin sa kanyang unang tindig Buo niyang kalooban ay talagang nag-iinit Ngunit bago magpatuloy sa kanyang panggigiit, Akin munang tatawagin mananggol ng walang interes Walang iba kundi si Curt Felix na taga A. Racelis

WALANG INTERES: Ei, ano naman kung ikaw ay nag-aaral Ako naman ay di pagod sa aking pag-aaral May baon pa sa eskwela n bgay ng magulang May marka pa n natatanggap kht n ndi kataasan

2016 JMN Khit ako ay walng interes sa aking pag-aaral Alam ko sa sariling may magandang kinabukasan Pagkat magulang ko ay malaki ang nyogan Akin itong ibebenta at mkikipagpustahan.

MAY INTERES:

hahahahah ano daw?! Yaman?

Yaman ng iyong magulang ay ndi mo yaman Kaya dapat pag-aaral ay iyong mtutunanan Upang magkarroon ka ng mgandang kinabukasan Na siyang magluluklok sa kaitaasan.

Gusto mo bang makakuha ng mataas na marka? Bakit ndi mo subukang mkinig sa maestra Tiyak sa graduation may medal ka na Siguradong magulang mo ngiti ay abot tenga

WALANG INTERES: Ei ano bang pakialam mo? Buhay ko ito! Ako na nga’y tigilan na sa panghihikayat mo Wala akong pakialam sa magyayari sa buhay ko Makakagraduate din ako,hindi nga lang katulad mo

MAY INTERES:

hahahhaha kuntento ka na niyan?

Ako’ y naaawa sa isang katulad mo Walang tyaga na mag-aral pasakit pa sa ulo Mabuti pa’y umuwi ka at magtanim ng upo Siguradong tatalino,isip mo ay magbabago

LAKANDIWA:

2016 JMN Sandali lang! hintay muna! bago kayo magsapakan Baka kayo magalusan lagot si mam Jysan Ang hangarin natin dito’y kayo’y matauhan Mabuksan ang isipan,para sa kinabukasan

Akin na ngayong ibibigay itong kahatulan Sa dalawang magkalaban na nasa inyong harapan Bilang lakandiwa ay ako na ang papagitna Bago pa may magalusan, bago pa may masugatan

Hindi natin masisisi itong si Curt Felix Kung ayaw niyang mag-aral , at gusto lang magpasaway Sino ba ang matutuwa sa isang mag-aaral Na walang interes sa kanilang pag-aaral

Pag-aaral mahalaga kaya huwag maglakwatsa PAghihirap ng magulang, inyong itanim sa isipan Para rin yan sa inyo, para sa kinabukasan Na talagng maganda itong kalalabasan.

Kaya’t itong aking hatol, si Camille perucho Ang nanalo sa balagtasan na ito Kayat siya ay bigyan ng palakpakang masigabo Siya’y tularan ninyo tiyak kayo’y aasenso.

MAY INTERES

O,ano Curt, hindi ka nanalo, pano yan?

WALANG INTERES Ei ano naman? Babawi ako sa susunod.hmp

2016 JMN

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF