10 implasyon.docx

May 7, 2020 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download 10 implasyon.docx...

Description

Lanting Region National High School Masusing Banghay – Aralin Araling Panlipunan Grade 10 Disyembre 10, 2015 I. LAYUNIN Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. nalalaman ang dahilan at bunga ng implasyon; b. nakokompyut ang CPI, antas ng implasyon at at purchasing power. II. PAKSANG-ARALIN Paksa: “Ang Implasyon” Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral Awtor: Bernard R. Balitao, Et. al. Pahina: 272-285 Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker III. PAMAMARAAN Gawaing Guro A. Paghahanda 1. Panimula a. Pagbati b. Panalangin c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum d. Pag tsek ng atendans e. Pagbabalik-aral

Gawaing Mag-aaral

B. Pagtuklas 1. Pagganyak Suriin at pag-aralan ang larawan at ibigay ang opinion tungkol dito.

1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan? Lester?

2. Ano ang basehan ng inyong naging obserbasyon? Angelica?

3. Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging dahilan ng ganitong sitwasyon?

Mahuhusay! Lahat ng sinabi ninyo ay tama.

Ma’am, ipinapahiwatig po sa larawan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ating bansa.

Ma’am dahil po sa may pakpak siya at may malaking logo ng salapi, kasama na rin po ang mga bilihin.

Ma’am maaari pong isa sa dahilan ang pagtaas ng presyo ay depende sa demand ng mga tao at kung magkano ang pera na naiuuwi ng mga OFW.

C. Paglalahad Basahin ang paksang-aralin natin sa araw na ito. “Ang Implasyon” 1. Mga Gabay na Tanong Ngayon, basahin naman natin ang mga Gabay na Tanong.

D. Paunlarin 1. Pagtalakay

1. Ano ang Implasyon? 2. Ibigay ang iba’t ibang uri ng Price Index.

Basahin ang unang islayd, Karen.

Ito ay ang patuloy na pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa lahat o halos lahat ng pamilihan sa buong bansa Nakaakibat na sa ating buhay ang implasyon. May kasabihan nang “till death do us part”. Basahin ang sumunod na islayd, Jessa.

Naganap ito sa Germany noong dekada 1920. Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo • Karaniwang Ginagamit Sa Pagsukat Ng Implasyon Ang Consumer Price Index (CPI) Basahin ang sumunod na islayd, Micha.

Iba’t Ibang Uri Ng Price Index

Implasyon. Ayon Sa The Economics Glossary, Ang Implasyon Ay Tumutukoy Sa Pagtaas Ng Pangkalahatang Presyo Ng Mga Piling Produkto Na Nakapaloob Sa Basket Of Goods. Ayon Naman Sa Aklat Na Economics Nina Parkin At Bade (2010), Ang Implasyon Ay Pataas Na Paggalaw Ng Presyo At Ang Deplasyon Ay Ang Pagbaba Sa Halaga Ng Presyo.

Hyperflation. Ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo sa isang bansa.

Mula Sa Market Basket, Ang Price Index Ay Nabubuo Na Siyang Kumakatawan Sa Kabuuan At Average Na Pagbabago Ng Mga Presyo Sa Lahat Ng Bilihin. Ang Price Index Ay Depende Sa Uri Ng Bilihin Na Gusting Suriin. • • •

GNP Implicit Price Index o GNP Deflator Wholesale or Producer Price Index (PPI) Consumer Price Index (CPI)

GNP Implicit Price o GNP Deflator ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga tao at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang bansa. Wholesale or Producer Price Index (PPI) Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong presyo ng final goods,intermediate goods at crude materials sa bilihang whole sale at retail. Consumer Price Index (CPI) Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon . Ito ay pagsukat ng average na pagbabago ng presyo ng produkto o bilihing pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili . Narito ang mga pormula sa CPI,

May mga dahilan ng implasyon. Basahin moa ng islayd, Jerwin.

Demand-pull. Nagaganap Ito Kapag Nagkaroon Ng Paglaki Sa Paggasta Ang Sambahayan, Bahaykalakal, Pamahalaan At Panlabas Na Sektor. Cost-push. Ang Pagtaas Ng Mga Gastusing Pamproduksiyon Ang Siyang Sanhi Ng Pagtaas Sa Presyo Ng Mga Bilihin.

Mga Dahilan at Bunga ng Implasyon

Basahin ang mga Epekto ng Implasyon sa mga Mamamayan, Gilbert.

E. Pagpapalalim 1. Ano ang Implasyon? Ivan?

Tama! 1 puntos sa grupo mo. 2. Ibigay ang iba’t ibang uri ng Price Index. Sammy.

Magaling! Magkompyut naman tayo! Kompyutin ang mga sumusunod:

EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN Mga nakikinabang sa implasyon • Mga umuutang • Mga Negosyante/may-ari ng kompanya • Mga speculator at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan Mga Taong Nalulugi • Mga taong may tiyak na kita • Ang mga taong nagpapautang • Mga taong nag-iimpok

Ma’am ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng presyo at mga bilihin.

Ma’am, GNP Implicit Price Index o GNP Deflator, Wholesale or Producer Price Index (PPI) at Consumer Price Index (CPI)

F. Pangwakas na pagtataya Sagutin ang mga sumusunod:

IV. TAKDANG ARALIN 1. Paano maiuugnay ang mga larawan sa konsepto ng implasyon? 2. Ano ang maaaring ibunga ng sumusunod na larawan? 3. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong imungkahi bilang iyong ambag sa pagharap at pagtugon sa epekto ng implasyon sa ekonomiya? 4. Ano ang pangunahing impormasyon na ipinahahatid ng balita? 5. Ano ang iyong reaksiyon matapos mong basahin ang balita? 6. Bilang isang mag-aaral, paano ka at ang iyong pamilya ay naapektuhan ng isyung tinalakay? patunayan.

Sanggunian: 1. Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral Pahina 282-284 Inihanda ni: ALMARIE S. MALLABO Praktis Titser Sinuri ni: Gng. SOTERA P. MOLINA Koopereyting Titser Disyembre 10, 2015

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF