1 to 5

February 8, 2018 | Author: Leonardo Enate | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download 1 to 5...

Description

Kabanata 1 MGA SULIRANIN AT SALIGAN NITO Sa mundong ating ginagalawan, marami na ang pagbabagong nagaganap. Dito sa Pilipinas, marami na tayong tradisyon at kaugalian na nagbago na dulot ng makabagong teknolohiya at impluwensiya ng kultura mula sa iba’t ibang bansa. Isa na rito ay ang pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino. Ayon sa Wikipedia (2012), ang panliligaw ay isang gawain ng taong nangingibig o nanunuyo sa isang taong napupusuan niya

Isa itong

pamamaraan ng pagpapahayag ng damdamin at pagpapatunay ng malinis na hangarin upang makamit ng mangingibig ang pagtanggap at pag-ibig ng kanyang napupusuan. Likas na sa mga Pilipino ang panliligaw, isang katangian na buhat pa sa ating mga ninuno. Ilang halimbawa nito ay ang paghaharana at ang panunuyo. Mayroon din namang ibang gumagawa ng liham ng pag-ibig, dito pinapahayag sa pamamagitan ng isang liham ang saloobin ng isang manliligaw na hindi niya magawang masabi ng harap harapan sa kanyang nililigawan. Ayon naman

kay Tom Brown

(2011),

ang panliligaw

ay

pinaglalaanan ng oras at isang matagumpay na pagkilala sa isang tao

sapat para malaman kung silang dalawa ay nararapat na maging magasawa. Sa mabilis na pagbabago ng panahon, dahil na rin sa maraming kadahilanan, ang istilo at pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino ngayon ay nagbago na.

Balangkas Teoretikal Naging batayan ng pag-aaral na ito ang teoryang sosyolohikal kung saan ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanilang panahon. Samakatuwid,ang pag-aaral na ito ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan.

Paradayn ng Pag-aaral INPUT

Nais ng mga mananaliksik na malaman ang iba’t ibang pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon kung kaya’t gumawa sila ng mga talaan na naglalaman ng mga katanungan hinggil sa paksang pag-aaralan.

PROSESO Ang

mga

mananaliksik

ay

magtatanong

sa

mga

piling mga

nakakatanda at mga kabataan sa panahon ngayon batay sa talaan na ginawa nila upang makakalap ng datos hinggil sa paksang pinag-aaralan.

OUTPUT Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng paraan ng panliligaw sa panahon noon at ng pangkasalukuyan.

Paglalahad ng Suliranin Layunin ng pagsusuring ito na maipaghambing ang makabago at makalumang istilo o pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino sa

pananaw ng iba’t ibang tao na aming pagtatanungan. Sinasagot din nito ang mga sumusunod na mga katanungan: 1.

Paano nagkakaiba ang makabago at makalumang pamamaraan at istilo ng panliligaw?

2.

Anu ano ang mga pamamaraan at istilo ng panliligaw noon at ngayon?

3.

Alin sa mga pamamaraan ng panliligaw noon ang tinatangkilik pa rin hanggang ngayon?

4.

Ano

ang

pananaw

ng

mga

kabataan sa

pamamaraan

ng

panliligaw noon? 5.

Ano ang

pananaw

ng

mga matatanda sa pamamaraan ng

panliligaw ngayon? 6.

Ano ang pananaw ng mga kababaihan tungkol sa pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon?

Hinuha o Palagay

1.

Ang makalumang paraan ng panliligaw ay maraming dinadaanang proseso upang mapatunayan o mapakita ang iyong nararamdaman sa iyong nililigawan samantalang sa makabagong paraan ng panliligaw ngayon, kaunting bola lamang sa iyong nililigawan ay tiyak makakamit mo ang iyong ninanais na tugon.

2.

Isa sa mga istilo ng panliligaw noon ay ang pagtulong sa mga gawaing bahay ng mga kalalakihan tulad ng pag-iigib ng tubig, pagtulong sa paglalaba, pagsisibak ng kahoy at iba pa. Sa istilo naman ng panliligaw ngayon, iniimbitahan ng mga kalalakihan ang kanilang nililigawan na lumabas at mamasyal upang makakapagliwaliw bilang pagpapapakitang gilas dito.

3.

Ang kinagigiliwan pa rin hanggang ngayon na istilo ng panliligaw noon ay ang pagbibigay ng mga regalo sa kanilang nililigawan katulad na lamang ng tsokolate, bulaklak tulad ng rosas at kung anu-ano pang bagay o pagkain na gusto ng kanilang nililigawan.

4.

Masyadong mahirap ang panliligaw noon na tila ba hindi makakayanan ng mga kabataan ngayon. Sa kasalukuyan, masasabi natin na sadyang napakadaling manligaw. Wala na

sigurong kabataan ang nais tumulad sa pamamaran ng panliligaw noon. 5.

Ang panliligaw ngayon ay sadyang napakadali kumpara sa paraan ng panliligaw noon, sadyang napakaswerte ng mga kabataan ngayon sapagkat hindi nila naranasan ang paraan ng panliligaw noon upang makuha lamang ang matamis na “oo” ng aming nililigawan.

6.

Ang panliligaw noon ay sadyang nakakakilig at talagang mapapatunayan ng manliligaw na mahal niya ang kanyang nililigawan, kumpara ngayon na sa text at chat na lang nanliligaw ang mga lalaki kaya hindi mo malalaman kung sila nga ay seryoso o hindi sa kanilang ginagawa.

Kahalagahan ng Pag-aaral Sa kabataan, ang pananaliksik na ginawa ay naglalayong ipaunawa ang pagkakaiba ng paraan ng panliligaw sa panahon nila ngayon sa pamamaraan ng mga nakatatanda noon. Nais ipabatid ng mananaliksik ang mga epektibong pamamaraan ng panliligaw noon na maari pa ring gamitin sa ngayon.

Sa mga magulang, ang pananaliksik ay ginawa upang magkaroon sila ng ideya sa sistema ng panliligaw ng mga kabataan,na maaaring kinabibilangan ng kanilang mga anak, sa panahon ngayon at upang maipabatid din sa kanila ang pananaw ng mga kabataan sa pakikitungo sa kasalungat na kasarian upang mas magabayan pa nila ang mga tinedyer sa larangan ng panliligaw. Sa iba pang mananaliksik, maaring magsilbing bago at karagdagang impormasyon ang pananaliksik na ito sa kanila na naghahanap ng datos para sa kanilang pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa sitwasyon, damdamin at pananaw ng ilang kabataan at ilang nakatatanda sa pagkakaiba ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Saklaw nito ang labinlimang nkakatatandang kalalakihan na nagtatrabaho sa kompanyang MERALCO at tatlumpu’t limang kabataan na kasalukuyang nag-aaral sa Rizal Technological

University.

Hindi

magbibigay

ng pangalan

respondent bilang respeto sa kanilang personal na pamumuhay.

ng mga

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa labinlimang manggagawa sa MERALCO at dalawampu’t limang estudyante sa unibersidad sapagkat sila

na

ang

pinakamalapit

na

respondente

na

makakatugon

sa

pangangailangan ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa proseso ng panliligaw noon at ngayon at hindi na tatakayin pa ang mga pangyayari ng nagaganap matapos ang proseso ng panliligaw.

Katuturan ng mga Terminolohiya •

Tradisyon ang tawag sa mga namanang kaugalian.



Kultura ay ang tradisyon o paniniwala

na natutunan ng tao

mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan. •

Istilo ay uri ng pamamaraan na ginagamit ng isang tao sa araw-araw.



Pagtangkilik ay ang pagsuporta sa isang produkto o kaisipan.



Tuklasin ay ang kakayahan na alamin o kilalanin ang tao, mga bagay o pangyayari.



Manggagawa ay tumutukoy sa mga taong nagtatrabaho sa mga institusyon o kompanya



Sitwasyon ay ang pangkalahatang kalagayan ng isang tao sa isang lugar o pangyayari

Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa kung ano ang panliligaw sa panahon noon at ngayon.

Literatura Ayon sa isang entry sa social networking site na tumbler, ang panliligaw daw ay isang yugto sa buhay kung saan ang dalawang tao ay

kinikilala

ang

bawat

isa

hanggang

sa

madebelop

sa

isang

romantikong relasyon. Saanmang lugar, anumang oras, may dalawang nilalang na pagtatagpuin at ang isa sa kanila ay nakatakdang maranasan ang panliligaw sa natitirang isa pa. Ayon kay sa elektronikong blog ni Abner (2011), inilarawan niya ang uri ng panliligaw na mayroon noong naunang mga panahon. Aniya, ang panliligaw ng lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng panghaharana kasama ng kanyang barkada na pupunta ang binata sa bahay ng dalagang kanyang sinisinta, bitbit ang kanilang gitara at

lakas ng loob. Sa tapat ng durungawan ng babae, idaraan ng lalaki ang kanyang pagsinta sa pamamagitan ng pag-awit, kahit sintunado’t pipiyuk-piyok ang boses at pulos palya ang paggigitara. Minsan magtatagumpay ang binata’t makukuha ang matamis na ‘oo’ ng dalaga (pati ng mga magulang, ngunit daraan ang binata nyan sa butas ng karayom), minsan naman nabubuhusan sila ng balde ng tubig mula sa bintana, akala kasi mga asong nag-aaway (may mga nagsabi naman na arinola ang ibinubuhos). Ayon din sa kanya nababaon na ang ganitong klase ng tradisyon dahil sa teknolohiya. Kung dati’y tutungo pa ang binata sa tahanan ng dalaga, ngayon ay tatawagan, itetext o ifeFacebook na lang. Hindi na rin niya kailangan awitan ang dalaga. Dalhin mo lang sa Enchanted yan at regaluhan ng Blue Magic na stuffed toy, kayo na. Minsan nga, at mas dumadalas na rin, babae pa ang umaakyat ng ligaw. Nagbabago ang kalakaran ng tao kasabay ng pagbabgo ng panahon. Ayon naman kay Miss Sassy Girl (2008), masasabi lang na nanliligaw ang isang lalaki kapag sinabihan na niya ang kanyang nililigawan na mahal niya ito. Ayon pa kay Ronald Molmisa (2010), ang kahandaan sa panliligaw ay hindi usapin ng edad o tagal ng

pagiging

single.

Mas

mahalagang

malaman

kung

nasa

tamang

kundisyon ang pagkatao, puso at isip ng isang tao. Ayon kay Judy Garland, kaya niyang mabuhay ng walang pera ngunit hindi ang pag-ibig. Sa anumang henerasyon ng tao, makikita natin handang gawin ng isang manliligaw ang lahat upang mapasagot ang kanyang sinisinta.

Pag-aaral Ayon

sa

isang

pananaliksik,

ang

paraan

ng

panliligaw

sa

Pilipinas ng isang lalaki sa kanyang sinisinta ay para na ring panliligaw sa kanyang buong pamilya. Niyaya rin ng isang manliligaw na lumbas hindi lang ang kanyang nililigawan, kung hindi pati na rin ang mga kaibigan nito. Ang panliligaw ay paglalaan ng oras ng dalawang tao sa isa’t isa upang kilalanin ang pamilya at kaibigan ng bawat isa ayon din sa pananaliksik ng Sisters. Ayon sa pananaliksik ng grupo ni Ms. Kristen (1999), ang mga edad ng mga taong interesado sa panliligaw ay sa edad ng mga nag-aaral sa kolehiyo o isang estudyante. Ang panliligaw ayon rin sa

kanya ay isang gawain na naiimpluwensyahan ng oras, kundisyon ng paligid, kultura at institusyon na kinapapaligiran ng isang tao.

Kabanata 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL Pamamaraan ng Pananaliksik Ang naisagawang pag-aaral tungkol sa makaluma at makabagong pamamaraan o istilo ng panliligaw ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya

ng

pananaliksik.

Maraming

uri

ng

deskriptibong

pananaliksik,ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang DescriptiveAnalytic Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan para makalikom ng datos. Nagsagawa rin ang mga mananaliksik ng pagiinterbyu sa mga respondente. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkatmas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondante.

Paraan ng Pagpili ng mga Tagatugon Ang mga piniling tagatugon ng mga mananliksik sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral sa unang taon ng College of Engineering and Industrial

Technology,

Electrical

Engineering

Department

sa

Rizal

Technological University sa ikalawang semester sa taong akademiko 20112012. Apatnapu lamang o halos 25 porsiyento ng kabuuang bilang ng magaaral an gaming piniling tagatugon dahil sa malaking bilang ng mga magaaral sa unang taon. Pumili rin ang mga mananaliksik ng ilang tagatugon mula sa labas ng unibersidad. Pumili ang mga mananaliksik ng dalampung piling empleyado ng MERALCO-Pasig Metering Services Department bilang tagatugon sa aming pananaliksik. Ang mga piniling tagatugon ay 50 porsiyento ng bilang

ng empleyado sa departamento at napili upang mas makakuha ang mga mananaliksik ng konkreto o mas tiyak na kasagutan.

Paglalarawan ng mga Tagatugon Ang mga napiling tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga kabataan na may-edad labing anim hanggang labing siyam na taong gulang at ang mga nakakatatandang tagatugon ay mayroong edad treinta hanggang sikwenta anyos. Sila ang napili ng mga mananaliksik sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

Instrumentong Ginamit Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga tagatugon. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng gabay na mga tanong na naglalayon na makapangalap ng datos upang masuri ang iba’t ibang pananaw sa mga makaluma at makabagong pamamaraan ng panliligaw ng mga Pilipino.

Nagsagawa

rin ng pangangalap ng mga impormasyon

ang

mananaliksik sa iba’t ibang hanguan sa aklatan. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon mula sa elektronikong sanggunian.

Tritment ng Datos Ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang kung kaya’t walang ginawang pagtatangka ang mga mananaliksik upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na na istatistikal na pamamaraan.

Kalagayan at damdamin lamang ng

mga respondenteng tumugon sa talatanungang ipinagkaloob sa kanila ng mananaliksik. Ang bilang o dami ng pagsagot ng bawat aytem sa talatanungan ang inalam ng mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsiyento lamang ang kakailanganing gawin ng mga mananaliksik. Dahil apatnapu lamang ang napiling respondent, magiging madali para sa mananaliksikang pagkuha ng porsiyento.

Pormula: Bahagdan = (f/N) X 100 Kung saan : f= frequency o dalas ng sagot N = bilang ng respondente

Kabanata 4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Graf 1: Kasarian ngmgaRespondante Matapos ang masigasig na pangangalap ng mga datos ng

Lalake

mananaliksik,60% sa tulong din ng mga respondante na sumagot sa gabay na talatanungang ginawa, narito ang ilang tala ng mga datos Babaena kanilang nakuha.

40%

Apatnapung porsyento o dalawampu sa limampung respondante ang babae, samantalang tatlumpu o animnapung porsyento naman sa napiling respondante ang kalalakihan. Minabuti ng mga mananaliksik na pumili ng mas maraming lalaking respondante sa pag aakalang mas maraming makakalap na datos ang mga mananaliksik sa mga lalaking respondante base sa kanilang karanasan.

Animnapu’t tatlong porsyento (63%) naman ng mga respondante ay mga kabataan na nasa edad kinse hanggang dalawampu’t dalawang taong

gulang; at tatlumpu’t pitong porsyento naman ay mga nakatatanda na nasa apatnapung taong gulang o higit pa. Pansinin ang sumusunod na graf.

Graf 2: Edad ngmga Respondante 70% 60% 50% 40% 30% 20% 10% 0%

63%

37%

15-22 TaongGulang

40 Taon Pataas

Talahanayan NOON Taon ang tinatagal ng ligawan Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate Pagbisita sa bahay ng nililigawan Panghaharana

NGAYON Buwan, Linggo, Araw o minsan Oras na lang ang panliligaw Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate Sa eskwela o minsan sa klase Pagpapahaging sa videoke

Paggamit ng tulay Paggamit ng cellphone Paggawa ng tula at liham ng pag-ibig Pagpasa ng love quotes Kailangan ng pahintulot ng mga Kailangan ng pahintulot ng mga magulang kaibigan

Ipinapakita sa naturang talahanayan ang pagkakahawig at at pagkakaiba ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Mapapansin na dahil sa pagbabago ng pamumuhay ng tao dito sa mundo, nagbabago rin ang pamamaraan ng panliligaw. Sa isinagawang talatanungan ng mga mananaliksik, kanilang natuklasan na marami pa ring istilo ng panliligaw noon ang mabisa pa rin hanggang ngayon. Narito ang talaan ng mga istilo ng panliligaw noon na epektibo pa ring gamitin ngayon.

Graf 3: Mga epektibongpamamaraan ngpanliligaw noon at ngayon 25% Pagdalaw sa bahay 8% ng babae

Pagbibigay ng sulat ng pag-ibig

24% 24%

19%

Pagtawag sa telepono o pagtetext Pagbibigay ng bulaklak at regalo sa nililigawan Pagyayang kumain sa labas

Ayon sa naturang graf, dalawampu’t limang porsyento (25%) ng mga respondante ang nagsasabing pinaka mabisa pa ring paraan ng panliligaw ang pagbibigay ng bulaklak at regalo ng isang manliligaw sa kanyang nililigawan.sumunod naman na may tig dalawampu’t apat na porsyento (24%) ang pagdalaw sa bahay ng nililigawan at pagtawag sa telepono o pagtetext. Ang pagbibigay naman ng sulat ng pag-ibig ay may labing siyam

na porsyento (19%), samantalang ang pagyayayang kumain sa labas ay nakakuha ng walong porsyento mula sa mga respondante.

Graf 4-a: Pananaw ng mga respondante kung aling istilo ng panliligaw ang mas nagugustuhan nila

15 Nakatatanda 10

5

Edad 15-22 na Babae Edad 15-22 na Lalake

0

Graf 4-b: Pangkalahatangpananaw ngmga respondante kungalingistilo ngpanliligaw angmas nagugustuhan nila 60% 40%

54% 28% Noon

18%

Ngayon Depende

20% 0%

Ayon sa graf 4-b, limampu’t apat na porsyento (54%) o dalawampu’t pito sa kabuoang limampung respondante ang nagugustuhan pa rin ang makalumang pamamaraan ng panliligaw. Karamihan ditto ay mga babae na makikita sa graf 4-a. Dalawampu’t walong porsyento naman ang nagsasabing mas maganda ang makabagong pamamaraan ng panliligaw ngayon, samantalang may labing walong porsyento ng respondante ang nagsasabing dumedepende lang sa sitwasyon kung aling pamamaraan ng panliligaw ang mas magugustuhan nila. Paglalagom ng Natuklasan Sa pag-aaral tungkol sa mga pamamaraan ng makabago at makalumang pamamaraan ng mpanliligaw; Batay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, napag alamang marami pa rin sa mga kababaihan ang naniniwalang mas magandang pamamaraan ng panliligaw ang makalumang pamamaraan. Sapagkat mahaba ang proseso noon ng pagliligawan, magkakakilanlan ng husto ng manliligaw at kanyang nililigawan. At higit sa lahat, marararamdaman ang sinseridad ng manliligaw dahil sa kanyang pagtitiyaga. Sabi nga ng iba, seryoso daw ang mga manliligaw noon, hindi kagaya ngayon.

Iyon din ang palagay ng mga nakatatanda, ibang iba na daw ang pamamaraan ng panliligaw ngayon. Halos wala na raw kahirap hirap ang mga manliligaw ngayon. Minsan pa nga ay lalaki pa ang nililigawan.

Kabanata 5 KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Batay sa mga nailahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon at rekomendasyon: Konklusyon Sa pag-aaral tungkol sa mga pamamaraan ng makabago at makalumang pamamaraan ng panliligaw, masasabing malaki na nga ang pagbabagong naganap sa pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon.ilan sa mga ito ay dahil sa impluwensiya ng mga kultura ng ibang bansa; at ang ilan ay dahil na rin sa pagbabago ng teknolohiya. Sa ginawang pananaliksik, napag-alaman ng mga mananaliksik na mas nagugustuhan ng mga kababaihan ang makalumang pamamaraan ng panliligaw kumpara sa makabagong pamamaraan. Marahil ay nakikita kasi ng isang babae kung gaano kapursigido ang mga manliligaw noon. hindi katulad sa panahon ngayon na masyado na tayong nagmamadali. Kaya’t kadalasan ay hindi nagtatagal ang isang relasyon dahil sa hindi pa lubos na magkakilala ang isang manliligaw at ang kanyang nililigawan.

Mayroon din namang ilang

pamamaraan ng panliligaw noon na

nananatili pa ring epektibo hanggang ngayon. Isa na rito ay ang pagdalaw ng manliligaw sa tahanan ng kanyang nililigawan. Magpapakilala ang isang manliligaw sa pamilya ng kanyang nililigawan

lalo na sa magulang ng

kanyang nililigawan, Sa ganitong paraan kasi ay malaki ang pag asa ng isang manliligaw na mapasagot ang kanyang

nililigawan sapagkat

naipapamalas ng manliligaw ang kanyang katapatan at malinis na hangarin. Rekomendasyon Matapos ang isinagawang pag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng mga pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon, iminumungkahi ng mga mananaliksik na huwag nating tuluyang kalimutan ang istilo o pamamaraan ng panliligaw noon. Bagama’t mabilis ang pagbabago ng teknolohiya na dahilan upang magbago na rin ang pamamaraan ng panliligaw ngayon. Nais ng mananaliksik na ipaalam sa mga kabataan at sa mga susunod pa kung ano ang dating ng makalumang pamamaraan ng panliligaw. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na sa pag-aaral na gagawin sa hinaharap ay magkaroon ng mas detalyadong

pananaliksik at

magsagawa ng sarbey ukol sa pahahambing ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF