01 Handout 1 PDF

September 17, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download 01 Handout 1 PDF...

Description

 

GE1803

Panimulang Pag-aaral sa Panitikang Pilipino Panitikan - Daan Tungo sa lntelektwalisasyon (Marquez at Garcia, 2013) Isang mabisang ekspresyon ng isang lipunan ang panitikan. Isa ito sa pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipunan. Samakatuwid, hindi salamin o repleksyon ang panitikan kundi isang institusyon at kasangkapan na nakatuon sa pagkakamit ng pag-unlad ng pag-iisp at kakayahan ng mga mamamayan sa loob ng isang lipunan.  Ang mayamang kaalaman ay nakakamit sa tulong ng malawak na paglalakbay ng isipan sa mga larangan ng kaalaman at impormasyon. Sa pagpasok ng bagong siglo, higit na lumalawak ang daigdig sa tulong ng cybernet   at higit na pinauunlad ang larangan ng komunikasyon. Ito ang hinihingi ng intelektwalisasyon ng anumang lenggwahe sa daigdig, kabilang na ang wikang Filipino. Ang kaunlaran ay bunga ng masaklaw na pagbabasa at sensitibong pagmamasid at pagsisiyasat sa mga bagay-bagay na nasasalubong at nararanasan sa landas ng buhay. Lagakan ng kaalaman ang isipan ng bawat nilalang. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi lamang impormasyon o kaalaman ang mahalaga. Kailangang maiugnay ang mga ito sa ibang impormasyon upang makalikha ng mga bagong kaisipan. Maaaring pag-ugnayin ang mga kaalamang ito sa pamamagitan ng paggamit ng "Apperception " Apperception Theory'' Theory'' sa edukasyon. Ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisip ay hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan.  Ang panitikan at pag-aaral nito ay pumapasok sa dalawang (2) antas ng teoryang ito - ang percept percept   at concept.. Sa unang antas ( percept ) ipinakikita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat. Sa concept ikalawa, (concept  (concept ) pinayayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginamit. Sa unang antas, ipinakikita ang panitikan sa pamamagitan ng halimbawa nito at ng mga tauhan sa mga pamamaraan ng pagiisip tungo sa makabuluhang konklusyon. Samantala, ang ikalawang antas ay nagpapayaman ng nilalaman ng wika. Ito ay kitang-kita sa napakayamang sistema ng mga metapora at mga kasangkapang retorikal sa lahat ng uri ng akdang pam-panitikan. Sa pamamagitan ng masusing pagtalakay sa mga akdang pampanitikan, mapatataas ang larangang intelektwal sa pagtanaw sa kultura ng isang bansa, kasama na ang paglinang sa wikang ginagamit sa lipunang kasangkot dito. Katuturan ng Panitikan (Marquez at Garcia, 2013)  Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksynunaryo ni Webster, ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba't ibang paksa; o ang anumang bungang-isip na naisatitik. Sa pagpapakahulugan naman ni Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba't ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Lumikha.  Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian, ang panitikan panitik an ay kabuuan ng mga kar karanasan anasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Batay sa mga kahulugang ibinigay ng iba't ibang may akda, masasabing ang panitikan ay pagpapahayag na pasalita at pasulat ng mga damdaming Filipino hinggil sa kanilang pamumuhay, paniniwala, pamahalaan, lipunan, kaisipan, pamahiin, pananampalataya, at karanasan na hinabi sa isang maganda at makasining na paraan. Sa kalagayan ngayon ng ating bansa, kailangan nating maunawaan at mapahalagahan ang anyo, nilalaman, at hangarin ng pag-aaral ng panitikang Pilipino. Kailangangkailangan ito sapagkat ito ay isang magandang 01 Handout 1

*Property of of S TI Page 1 of 5

 

GE1803

paraan ng pagpapalaganap at pagbibigay-halaga sa ating kultura. Higit sa lahat, makatutulong ito upang lalong mapatingkad ang ating wikang pambansa  –  –   ang Filipino, sapagkat sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikang ito, naipapahayag nang lubusan ang ating pambansang pag-uugali, paniniwala, at mga kakaibang uri ng karanasang higit na nagpalawak sa ating angking kakayahan bilang Pilipino. Higit sa lahat, bilang mga Pilipino, tungkuliln nating makilala ang ating kagalingang pampanitikan upang sa gayon, ito ay lalong mapadalisay, mapayabong at mapaningning sa susunod pang mga salinlahi. At sapagkat tayo ay mga Pilipino, dapat lamang maging katutubo sa atin ang pagkakaroon ng di matatawarang pagmamalasakit sa sariling panitikan. Gayundin, ang Commission on Higher Education (CHED) ay nagpalabas ng kautusan na nagsasaad ng mga layuning dapat ipatupad at mga pangangailangang dapat gawin sa pagaaral ng panitikan. 1. 2.

3.

Mabuksan ang mata ng mga mag-aaral sa kayamanan ng ating panitikan. Makilala ang iba't ibang anyong pampanitikan. Bago pa matapos ang termino, n nakabasa akabasa na dapat ang estudyante ng ilang tekstong kumakatawan sa mga rehiyon ng bansa, sa mga panahon ng ating kasaysayang pampanitikan, at sa mga anyong pampanitikan. Makasulat ng isang term paper (na hindi kukulangin sa 10 pahina) na sumusuri sa sinulat ng isang manunulat na ipinanganak sa kani-kanilang pinagmulang rehiyon o kaya naman kung saan matatagpuan ang kolehiyo o pamantasang pinapasukan.

Dapat alalahanin ng mga guro at mag-aaral na hindi sarbey ang asignaturang ito, kundi pagbasa sa ilang halimbawa ng iba't ibang anyong pampanitikan. Gayunpama'y dapat na masaklaw ng asignatura ang karamihan sa mga rehiyon. Kasama sa listahan ang mga Fambansang Alagad ng Sininig sa Fanitikan, ang mga nailagay na sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of Fame , ang mga hanalo na ng Ramon Magsaysay Award  sa  sa larangan ng panitikan, at ang mga babaeng manunulat na nasa mga antolohiya. Dapat ding siguruhin na babasahin ng mag-aaral na tulad mo ang lahat ng importanteng manunulat sa rehiyon kung saan matatagpuan ang kolehiyo o pamantasang pinapasukan ninyo. Dalawang Anyo ng Akdang Pampanitikan (Marquez at Garcia, 2013) Patula - masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na maaaring may sukat at tugma. May tatlong (3) kayarian ang tula, ang pinagkaugalian na may sukat at tugma, ang blangko berso na may sukat ngunit walang tugma, at ang malayang taludturan na walang sukat at tugma. Nahahati sa apat (4) ang mga uri ng tula.   Liriko o tula ng damdamin damdamin  - nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni-guni, o damdamin ng mayakda. Karaniwan sa uri nito ang oda, dalit, soneto, elehiya, at awit. o  Pasalaysay   - mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang pinapaksa rito ang o

mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma tulad ng epiko, awit, at korido. o  Tulang pandulaan pandulaan - mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag, at sarsuwela. o  Tulang patnigan patnigan - tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo, at balagtasan. Tuluyan Tuluyan  - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Nabibilang dito ang anekdota, maikling kuwento, alamat, mito, nobela, talambuhay, pangulong tudling, sanaysay, balita, talumpati, dula, atbp. Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan (Marquez at Garcia, 2013)  Ang mga akdang pampanitikan ay nalilikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba't ibang elementong gumaganap ng mahalagang tungkulin upang ang mga obra-maestra sa larangang ito ng sining ay magkaroon ng buhay. Katulad ng iba pang sining, ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pag-unlad sa pamamagitan ng iba't ibang dahilan. Anu-ano nga ba ang mga elementong masasabi nating nakatutulong upang lumikha ng mga akdang maipagmamalaki natin bilang mga Pilipino?

01 Handout 1

*Property of of S TI Page 2 of 5

 

GE1803

Kapaligiran.  Binibiyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba't ibang sangkap ng kalikasan tulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran, at mga kaugnay nito. Maraming mga tula, maikling kwento, nobela, at iba pang akda ang sumilang at nalikha na ang ginamit na paksa ay ang kapaligiran at ang kalikasan.

Karanasan.  Isang lunsaran ng mayamang paksa ang karanasan ng tao. Dito maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na mapaghahanguan ng paksa sa iba't ibang uri ng akda. Bawat kasaysayan ng isang tao ay maaaring maging batayan para sa isang akdang magbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong makita ang kanyang sarili sa pagsisikap kanyang binabasa, sa ganitong paraan nakagagawa siya ng pagkakataong pag-ibayuhin ang kanyang tungo sa isang makabuluhang pamumuhay.

 S alik na P anlipunan anlipun an at Pampuliti k a.  Ang Ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan ga gayundin yundin sa pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdadala ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan, at kabihasaan ng isang tanging pook o bansa. Dito ay may mga akdang tunay na kakatawan sa kaisipan, damdamin, at paniniwala ng mga mamamayan sa pook na ito.

 S alik n na a Panrelihi Panr elihiyon yon.. Maraming mga akdang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig ang pumaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya upang ang ating mga manunulat sa iba't ibang panahon ay makasulat ng mga obramaestrang panghabang panahon.

Edukasyon.    Ang pilosopiya ng edukasyon na naituro sa atin ay lalong nagpalawak sa kalinangan at karunungang taglay na natin. Sa pamamagitan ng mga naituro sa atin sa mga institusyon sa ating bansang kinagisnan, higit na nagkaroon ng puwang sa ating puso ang makalikha ng mga akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at edukasyong naghatid sa atin sa kinalalagyan natin ngayon. Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa (Marquez at Garcia, 2013) Sa kasaysayan ng panitikan, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa mga bansa sa daigdig, mayroong mga akdang pampanitikan na nagdala ng malaking impluwensya upang maisulat at mabuo ang obra-maestra ng iba't ibang bansa sa daigdig sa larangan ng panitikan. Narito ang 12 akdang pampanitikan ng iba't ibang bansa sa iba't ibang panahon na nagdala ng dalawang (2) mahalagang kalagayan ng panitikan sa daigdig: una, nagpaliwanag sa kalahagahan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda. At ikalawa, sa pamamagitan ng akdang ito, ang mga bansa sa daigdig ay nagkatagpo-tagpo sa damdamin, kaisipan at gayon din, nagkaunawaan bukod pa sa nagkahiraman ng ugali at pamamaraan ng pamumuhay. 1. 2. 3.

4. 5.

6. 7.

Banal na Kasulatan  Kasulatan   (Bibliya). Mula ito sa Palestina at naging batayan ng sangka·kristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang Lumang Tipan at Ang Bagong Tipan. Koran   (Bibliya ng mga Mohamedan) mula sa Arabia at nagtataglay ng mga kaisipan at kautusang Koran siyang sinusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohamedan. Iliad at Odyssey  Odyssey  ni Homer. Mula ito sa Gresya at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. Ang ILIAD ay tungkol sa istorya ng pagsakop sa Lungsod ng Troy , habang ang ODYSSEY ay hinggil sa pagbabalik ni Odysseus Odysseus mula  mula sa Trojan War . Mahabharata   na mula sa India. Ito ay itinuturing na pinakamahabang tula sa daigdig (220,000 Mahabharata taludtod o linya). Tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran ng mga pinunong Indo-Aryan. Divine Comedy ni Comedy ni Dante Aleghiere at mula sa Italya. Tinalakay naman dito ang isang paglalakbay sa langit sa impiyerno at purgatoryo at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa lupa. El Cid Campeador   mula sa Espanya. Nagpakilala ito ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon. The Songs of Roland ng Roland  ng Pransia. Kinapapalooban ito ng mga kwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Doce Pares ng Pransia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng kakristiyanuhan sa Pransia.

01 Handout 1

*Property of of S TI Page 3 of 5

 

GE1803

8.

Five Classics at Four Books. Mula Books.  Mula ito sa Tsina na kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging batayan ang mga aklat na ito ng pananampalaya, kalinangan at kasaysayan ng mga Intsik na nakaapekto sa atin. 9. Book of the Dead ng Dead  ng Ehipto na kinapapalooban ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto. 10. A Thousand and One Nights  Nights  ng Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan, at panrelihiyon ng mga taga Silangan. 11. Canterbury Tales ni Tales ni Chaucer ng Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at pag·uugali ng Ingles noong unang panahon. 12. mga Uncle Tom's Cabin Cabin ni  ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika. Binigyang-diin dito ang karumal-dumal na kalagayan ng mga itim sa kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng simulain ng demokrasya sa daigdig. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang maisulat at mabuo ang kanyang dalawang obra-maestra, ang Noli Me Tangere at Tangere at El Filibusterismo. Filibusterismo. Sa ating bansa man, maraming mga akdang pampanitikan na naging inspirasyon ng mga manunulat ng iba't ibang panahon. Maaari nating banggitin ang  ang   Florante at Laura  Laura   ni Francisco Balagtas, ang Noli   at Fili   ni Dr. Jose Rizal, Nena at Neneng   ni Valerino H. Pena, Banaag at Sikat   ni Lope K. Santos, Maganda Pa ang Daigdig  ni  ni Lazaro Francisco, Kahapon, Ngayon at Bukas ni Bukas ni Aurelio Tolentino at ang Isang Dipang Langit , Mga Ibong Mandaragit, at Mandaragit, at Luha ng Buwaya ni Buwaya ni Amado V. Hernandez. Ilan lamang ang mga ito sa mga akdang pampanitikan sa ating bansa na susi sa paghawan sa landas ng mga makabagong manunulat na sumibol at sumisibol pa sa iba't ibang panahong iniikutan ng kasaysayan ng ating panitikan. Ang mga Kasangkapang Pampanitikan na Nagbibigay-anyo sa Akda (Marquez at Garcia, 2013)  Ang salitang  estet  estetik ik a ay nanggaling sa salitang Griyego na "aesthesis " aesthesis"" na nangangahulugang "pakiramdam", o "dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas at panloob) ng tao." Kung baga sa nakikita, ang estesis ay yaong uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao na nakakakita (ng kahit anuman iyon). Kaugnay nito, ang mga sentido ng tao ay nahahati sa dalawang uri: (1) ang mga sentidong panlabas ("external senses") tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, pansalat; at (2) ang mga sentidong panloob ("internal senses") tulad ng imahinasyon o guniguni, memorya, pang-unawa, at huwisyo, o pagpapasya. Ang mga ito ay may kinalaman at kaugnayan sa estesis. Ito ang mga pinagagalaw ng estesis. Sa mga ito nakatuon at nakatudla ang estetika. Ang anumang bagay na opensibo sa mga ito ay pangit/masama, at ang nagbibigay-aliw o kasiyahan sa paningin. Dahil dito, ang layon ng estetika ay mga (a) persepsyon ng mga sentidong panlabas, at mga (b) konsepto na bunga ng mga sentidong panloob. Sa dalawang (2) ito nauukol ang siyam (9) na nakatala sa itaas, na siya nating ipaliliwanag sa ibaba.  Ang nilalaman nilalaman ay  ay tumutukoy sa (1) tauhan, (2) tagpuan, (3) suliranin, (4) aksyon, at (5) tema.  Ang denotasyon denotasyon   ay ang karaniwan at likas o “literal” na kahulugan ng salita o pangungusap: ito ang kahulugang madaling manahanap sa diskyunaryo. Konotasyon ang Konotasyon  ang tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita. Ang mga implikasyong ito ay maaaring magdulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng salita, tulad halimbawa ng salitang “basura”.  “basura”.  Diksyon ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili Diksyon ang ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang pinakamabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid. Samakatuwid, kapag ang isang salita ay may maraming singkahulugan, ano ang dahilan kaya kung bakit isa sa mga ito ang piniling gamitin ng may-akda. Hinihingi nito na ang mambabasa ay lubos niyang namamalayan ang lahat ng mga singkahulugan ng bawat mahalagang terminong ginamit sa akda.

01 Handout 1

*Property of of S TI Page 4 of 5

 

GE1803

Mga kasangkapang panretorika  panretorika  ay tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda upang makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at ang mga sangkap nito. Ito ay may kinalaman sa kaayusan ng mga salita, o pagkakasunod-sunod ng mga elemento ng mga pangungusap. Dito pumapasok ang mga uri ng pangungusap na tinatawag sa Ingles na   loose, balanced   at  periodic sentences sentences.. Dito rin nauukol ang palindroma, klimatikong pagkakasunud-sunod ng mga salita, at iba pang mga paraan na kalkuladong epektibong manipulasyon ng mga reaksyon ng mambabasa o tagapakinig. Mga kasangkapang pansukat  pansukat   ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula, upang bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy ang ang indayog ng mgang salita at pangungusap kapag itoang ay binibigkas. Karaniwan sa ating mga klase sa Filipino pagbibilang pantig. Sa Ingles ay naririyan Iambic, trochee, anapest,  anapest,   atbp. Ngunit ang literatura o oraturang Filipino (lalo na ang panulaan) ay transisyunal na performing na performing art   kaya kaya batay sa musika ang sukat at indayog ng marami sa a ting mga tula. Hindi binigyan ng mga sinaunang Pilipino ng mga pangalan ang mga sukat ng panulaan sa atin dahil hindi nila ito ginamit. Ang mayroon sila ay di-mabilang na awitin na may likas ba regularidad na bunga ng tempo ng pagawit. Sa balagtasan ay dinig na dinig ang maindayog na sukat ng mga berso kapag ito ay binibigkas nang wasto.  Ang tugma o rima ay maraming silbi, at isa rito ay bilang marker   ng sukat sa dulo na ng isang berso na nagpapalitaw ng tunog at tugma. Mga kasangkapang metaporikal ang metaporikal ang mga ginamit na tayutay na nagpapayaman sa kabuluhan at kahulugan ng akda. Dito kabilang ang mga simili, metapora, ironeya, alusyon, aliterasyon, asonansya, onomatopeya, anapora, alegorya, analohiya, conceit , personipikasyon, apostropi, metonimi, sinekdoki, depersonisasyon, hiperbola, atbp. May kinalaman din dito ang punto ang  punto de vista at vista  at persona ng akda. Tono  ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto: Matapat ba? Sarkastiko? Nanunudyo? Tono ang Satiriko ba? Parodya ba? Ito ang mga karaniwang sinasagot ng tono. Napakahalaga nito sapagkat ang anumang pangungusap ay maaaring bumaligtad ang kahulugan kapag nagbago ang tono nito. Lalong mahalaga ang wastong pag-intindi sa tono kapag binibigkas ang literatura sapagkat punto at ekspresyon ng tinig ang nagdadala ng tono. Istruktura.  Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng isang Istruktura.  akda. Sa dulaang klasiko, ito ay lumalabas sa anyong (1) eksposisyon, (2) kumplikasyon, at (3) resolusyon. Ito ang tinatawag ni Aristoteles na "simula, gitna, at wakas." Mayroon ding mga istrukturang de kahon. Ito ay may pormulang ginagamit lalo na sa mga akdang pasalaysay. Halimbawa, ang klasikong pormula ng kwentong romantiko: pag-ibig, paghihiwalay, pakikipagsapalaran, at reunyon. Ito ang buod ng kwento ni Romeo and Juliet  (Shakespear),   (Shakespear), ng Evangeline Evangeline,, ng Ninay  (ni   (ni Pedro Paterno), ng Tristan und Iseult , ng Noli Me Tangere, Tangere, atbp. ‘Di mabilang ang maaaring likhaing kwento sa hulma ng pormulang ito sapagkat istrukturang de kahon ito. Sa mga soneto, lalo na sa Kanluran, mayroong mga istrukturang masasalamin sa pagkakapangkat ng tugma tulad ng oktavo, sestina, kung saan ang sestina ay binubuo ng kwatrina at kopla. Hindi ito problema sa mga katutubong tulang Filipino. Sa mga akdang pasalaysay, dapat pansinin ang tinatawag na "kaigtingan ng aksyon" o klaymaks, sapagkat dito nagwawakas ang kumplikasyon ng aksyon at unang sandali tungo sa resolusyon maging ito man ay pangkomedya o pangtrahedya. Ang klaymaks ay bahagi ng istruktura, at hindi palaging kasabay ito ng pinakasukdulang emosyonal ng aksyon. Mahalagang konsiderasyon sa pagtingin sa istruktura ang gamit nito bilang kasangkapan sa pagbibigay diin.  Ang pangwakas na bahagi at pananalita ng anumang akda ay dapat bigyan ng sapat na pagpapahalaga at interpretasyon sapagkat ito ang dulong istruktural na karaniwang nagbibigay-Iiwanag sa kabuluhan ng klaymaks ng aksyon. Madalas na nag-iiwan ng memorableng salita ang akda sa wakas nito. Sanggunian: Marquez, S. & Garcia, F. (2013). Panitikang Pilipino: Interaktibo at integratibong talakay alinsunod sa OBE (2nd ed.). Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp. 01 Handout 1

*Property of of S TI Page 5 of 5

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF