# Kabanata 1-3 Thesis (Kara Thesis) 4 Print

July 19, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download # Kabanata 1-3 Thesis (Kara Thesis) 4 Print...

Description

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kabanata 1 PANIMULA Kaligiran ng Pag-aaral

Ang salita ay instrumento na ginagamit upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan, makapagbibigay ng kaisipan at pananaw. Sa tulong nito, nakabubuo tayo ng mga ideya na maaaring makalinang sa ating higit na pag-unawa. Tinuturing ang salita bilang yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay at may halagang ponetika. Tipikal na binubuo ang salita ng isang ugat at mayroon o walang panlapi. Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga pananalita, parilala, sugnay at pangungusap. May mga salitang lubhang malalim o mahirap bigyan ng angkop na kahulugan na naging dahilan ng hindi mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay naging hadlang sa pagtamo ng epektibong ugnayan sa pagitan ng guro at mgaaaral. Dagdag pa, ang maling pagkaunawa o pag-intindi sa totoong kahulugan ng salita ay nagdudulot ng kalituhan sa 1

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

mga mag-aaral at posibilidad na makabuo ng maling konsepto o pananaw. Sa tulong ng guro bilang isa sa may pinakamalaking papel na ginagampanan sa buhay ng estudyante ay tungkulin niyang makahanap o makagamit ng solusyon kung paano maunawaan ng mag-aaral ang mga salitang may malalim na kahulugan. Kinakailangan ng guro na magkaroon ng teknik na maging paraan upang ang isang di- malinaw na bagay ay matukoy at mabigyan ng sapat na pag-intindi. Ayon kina Rhoder at Heurter (2002) ang isang mambabasa upang maging matagumpay sa pag-uunawa ng isang hindi kilalang salita, ito ay depende sa kung gaano karaming beses ang salita ay iniharap sa konteksto, kung ang konteksto ay pasalita o nakasulat, ang kakayahan ng mga mambabasa na gamitin ang context clues at kung ang konteksto ay sapat. Kailangan ang mambabasa ay may kaalaman at background na impormasyon sa konteksto, ito ay mas madali para sa isang mag-aaral upang malaman ang isang hindi pamilyar na salita. Dapat ito ay mahalaga upang isaalang-alang ang kakayahan at background na kaalaman ng 2

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

mga partikular na reader kapag isinasaalang-alang ang paggamit ng kontekstong pahiwatig. Dagdag pa, ito ay mahalaga upang maituro sa mga magaaral kung paano gamitin ang konteksto upang makilala ang hindi kilalang mga salita (Goerss et al., 1999).

Paglalahad ng Suliranin 

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng pagpapakahulugan sa mga salita ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang gamit ang kontekstwal klu bilang teknik. Layunin din ng pag-aaral na ito na masagot ang sumusunod na katanungan: 1. Ano ang antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang context clues? 2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang context clues?

3

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ipotesis

Batay sa mga inilahad na suliranin, ang ipotesis ng pagaaral na ito ay: 1.  Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang context clues.

Banghay Teoritikal Teoritikal   

Ang pag-aaral na ito ay isasalig sa dalawang teorya ng pagbasa, ang teoryang Bottom-Up at Top – Down. Ayon sa teoryang Bottom-up, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtoyugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto. Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up. 4

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Sa teoryang Top-Down ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling

kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

5

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Banghay Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa paggamit ng context clues bilang teknik sa pagtukoy sa antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita. Sa pag-aaral na ito ay inaalam ang antas sa kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita ng mga mag-aaral sa

ikapitong baitang ng FMSHS sa taong panuruan 2016-2017. Ang representasyong iskematiko ng pag-aaral na ito ay inilarawan sa dayagram na makikita sa Larawan 1.

Malayang salik

Di Malayang Salik

Antas ng kahusayan Kontekstwal clues

sa pagpapakahulugan ng mga salita

Larawan 1. Ang pagkakaugnay ng malaya at di- malayang salik sa antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita.

6

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang mabigyang kaalaman at kapakinabangan ang mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila upang magkaroon ng kaalaman at mabatid ang angkop na

kahulugan ng salita. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay mabigyang linaw o kasagutan ang maling pag-unawa sa mga salita na naging hadlang sa hindi mabisang pakikipagugnayan.

Guro. Makatutulong ito sa kanila upang makapili ng angkop na teknik na magagamit upang maipaunawa sa mga magaaral ang tamang kahulugan ng salita. Dagdag pa, ito ang kapakipakinabang at mabisang paraan sa mas madaling ugnayan ng guro sa mag-aaral.

Magulang. Mahalaga ito sa kanila sa pagsubaybay ng kaalaman o natutunan ng kanilang mga anak sa loob ng klase.

7

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Makakatulong ito upang magkaroon sila ng interaksyon kaugnay sa buhay pag-aaral ng kanilang mga anak.

Tagapamahala ng Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay maaaring gawing batayan upang matugunan ang mga suliranin sa pagpapakahulugan at lubos na maunawaan ang ideya o mga

kaisipang makatutulong sa kanilang pag-unlad.

Mananaliksik. Makakatulong ito sa iba pang mananaliksik sa hinaharap na magnanais na magsagawa ng masusing pag-aaral tungkol sa kahusayan ng pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang kontekstwal klue. Ito’y maaari nilang gawing gabay o basihan ng pangangalap ng impormasyon na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral at iba pang pananaliksik na isasagawa.

Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral

Sasaklaw ang pag-aaral na ito sa paggamit ng kontekstwal klue bilang teknik sa pagtukoy sa antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan sa mga salita ng mga mag8

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

aaral sa ikapitong baitang ng FMSHS sa taong

panuruang

2016-2017. Susuriin sa pag-aaral na ito ang epekto ng paggamit ng kontekstwal klues sa mga mag-aaral. Bibigyang pansin din kung paano madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga salitang may mahirap o malalim na kahulugan.

Ang tagatugon sa pag-aaral na ito ay tatlumpung (30) mag-aaral ng nasabing paaralan.

Katuturan ng mga Katawagan

Para sa higit na ikalilinaw ng mga katawagang ginamit sa pag-aaral ang sumusunod ay bibigyan ng kontekstwal at operasyonal na kahulugan.

Kontekstwal Klues. Kahulugan ng salita buhat sa pagkakagamit ng pahiwatig na kahulugan ng iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Sa madaling salita, ang kontekstwal klues ay ang mga salitang nakapalibot sa isang salita at ang pagkakagamit nito sa pangungusap ay maaring

9

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

magbigay ng pahiwatig kung ano ang kahulugan ng mga salitang ito. (Perla Garnace-Ulit et.al. Komunikasyon sa Akademikong   Filipino- Filipino 1, 2014) 2014)  Sa pag-aaral na ito, ang kontekstwal klue ay ang teknik na gagamitin upang matukoy ang antas ng kahusayan sa

pagpapakahulugan ng mga mag-aaral.

Teknik. Ito ay tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog. Tumutukoy din ito sa mga gamiting pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin. (Paquito B. Badayos. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, 2014) Sa pag-aaral na ito ang teknik ay tumutukoy sa kontektwal klue.

Pagtukoy. Pagsasabi o pagbanggit sa anuman o sinuman. Ito’y pagtuturo sa anuman o sinumang ibig nakukunan ng

impormasyon o anumang kailangan. 10

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

(Diksyunaryo ng Wikang Filipino) Ang pagtukoy sa pag-aaral na ito ay nangangahulugan ng isang pag-alam, pagtuklas o pagbatid ng kahusayan ng kontekstwal klu sa pagpapakahulugan sa mga salita.

Antas. Kalagayan ng karangalan, pagkatao, kaunlaran, o iba pang kauri. ( Halimbawa,mataas na antas ng pamumuhay). Ito’y maaring isang baitang sa paaralan na batay sa

kaunlaran ng mga nagsisipag-aral. Ito ay lebel na iyo nang narating.   (Diksyunaryo ng Wikang Filipino at http://tl.answers.com/). http://tl.answers.com/).  Sa pag-aaral na ito ang antas ay tumutukoy kung gaano kahusay ang mag-aaral sa pagbibigay kahulugan sa mga mahihirap na salita.

Kahusayan. Kagalingan ,lebel kung gaano kahusayan o bihasa sa isang bagay. Ito’y tmutukoy sa kaekspertuhan, kainaman, kabutihan at kaayusan. (Diksyunaryo ng Wikang Filipino) (http://tl.answers.com/ (http://tl.answers.com/) )

11

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Sa pag-aaral na ito ang kahusayan ay tumutukoy sa kagalingan ng mga mag-aaral sa pagbibigay kahulugan sa salita.

Pagpapakahulugan. Pagbibigay o pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng anuman ayon sa sariling pagkaunawa. (The New Illustrated Filipino-Filipino Dictionary w/ English – Revised Edition) Sa pag-aaral na ito, ang pagpapakahulugan ay ang pagbibigay kahulugan o paliwanag sa mga salitang nasa teksto gamit ang mga kontekstwal na pahiwatig o kontekstwal klu.

Salita. Bilang yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika. Sa pakikipag-usap, ang salita ay ang bawat bigkas na kumakatawan sa anumang bagay. Ito’y mga titik na kumakatawan sa anumang bagay. Ito ay isa ring maikling pangungusap. 12

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

(Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya)(Diksyunaryo ng Wikang Wilipino) Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa mga mahihirap na salita na kinakailangang mabigyan ng sapat na pag-unawa o pagpapakahulugan. Ito ang mga salitang kailangang gamitan ng kontekstwal klue upang mabatid ang kahulugan.

13

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kabanata 2 KAUGNAY NA BABASAHIN AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na babasahin at pag-aaral tungkol sa antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang context clues bilang teknik.

Ayon sa aklat ni Paquito B. Badayos (2014),ang teknik ay ang mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog.  dulog.  Ang mga teknik na gagamitin ay maaaring pagpaparinig ng mga musikang Baroque habang nagbabasa ng isang tula o di kaya’y pag-upong nasa posisyong yoga nabang nakikinig sa isang pahayag.Ito’y maituturing na alinman sa mga

pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.

Ang Pagtuturo at Paglinang ng Talasalitaan Ano ang Talasalitaan? 14

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ayon sa mga Anglo-Saxon, ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na dapat angkinin at mahalagahin. Sa mga Intsik naman, ito’y isang malawak na dagat ng mga salita na dapat hulihin. Gumagamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag ng ating naiisip at nadarama. At dapat isaisip na mahalaga ang wastong paggamit ng mga salita sa ating pang-araw-araw na pakikipatalastasan. Ngunit dapat ding mabatid na ang ganap na kawastuhan at kaliwanagan ng isang mensahe ay nakabatay sa mga salitang ating pinipili. Ang mga salita bilang pinakamahalagang sangkap ng wika ay mauuri natin sa dalawang pangkat: mga salitang pangnilalaman ( Content words) at mga salitang pangkayarian ( Function words) 1.  Mga Salitang Pangnilalaman- Ito ang mga salitang may tiyak na kahulugan at nagsisilbing mahahalagang salita sa loob ng pangungusap. Ang mga salitang ito’y  

maaaring tumukoy sa isang tao, halimbawa, titser; isang bagay-lapis;kilos o galaw-tumayo, lumundag, katangian-maganda; o di kaya’y isang kalagayan matiwasay. Ang mga salitang ito’y may taglay nang 15

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

sariling kahulugan kahit na hindi pa isama sa ibang salita. Kabilang sa mga pangnilalaman ay mga pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay. 2.  Mga Salitang Pangkayarian- Ito ay mga salita o kataga na nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa pangungusap at tungkulin nito na mapagsama-sama at mapag-ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman ang mga pangatnug, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy at pangawig.

Ang Paglinang ng Talasalitaan Ang pagtatamo ng mga salita ay maaaring bunga ng isang paglinang ng isang talasalitaan. Ayon kay Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay maangkin lamang ng mag-aaral kung maibibigay niya ang kahulugan alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan. 1.  Ano ang ibig sabihin ng pag-alam sa kahulugan ng isang salita?

16

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang

katangian ng isang salita ang mag-aaral bago lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito. Dapat may kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan nito sa kasalukuyang konteksto;ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ibang salita na may katulad na kahulugan; ang ibang kahulugan na maaari nitong taglayin; ang ibang anyo nitong gramatika;paano ginagamit ang salita at mga sitwasyong pinaggagamitan nito. Halimbawa: Pansinin ang iba-ibang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunt magkaiba ng bigkas. a. Tubo Maaaring kahulugan: tubó-isang uri ng pananim tubo-bakal na padaluyang tubig tubò-pakinabang sa isang negosyo tubô-sumibol na b. Paso Maaring kahulugan: paso-makitid nadaan 17

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

pasó-lipas na pasô-taniman ng halaman pasò-nalapnos dahil sa init 2.  Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng Talasalitaan May ilang salik na nakakaapekto sa paglinag ng talasalitaan ng mga mag-aaral. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga salitang natutuhan sa pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na matatandaan kaysa sa mga salitang naririnig lamang o nababsa kaya. Ang pag-uulit at malimit na paggamit ng mga salita ay mahalaga para sa pagtatamo nito. Ang sampung minutong pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan araw-araw ay mas mabisa kaysa sa minsanng limampung minutong pagkaklase. 3.  Mga Talasalitang Aktib at pasib Aktib at pasibong

ngagamit ng isang taal na

tagapasalita ng wika ang mga salita o talasalitaan.

18

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

  Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga salita



kapag siya’y nagtatalumpati o di kaya’y

nagsusulat.

  Pasibong nagagamit ang mga salita sa pakikinig at



pagbasa. Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng isang

tao na maunawaan ang mga salitang ginagamit at pagsasalita at pagsulat ng ibang tao. 4.  Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga Salita Tinatayang mas maraming salita ang nauunawaan ng isang tao kaysa sa mga salitang aktibo niyang nagagamit. Ayon kina Richards et.al (1985), ang isang taal na tagapagsalita ng wika ay maaaring magtaglay ng mahigit sa 100,000 pasibong talasalitaan ngunit ang taglay niyang aktibong talasalitaan ay maaaring nasa pagitan lamang ng 10,000 hanggang 20,000 salita. Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, dapat pagpasiyahan ng guro ang mga salitang sa palagay niya’y karapat -

dapat na ituro para sa aktibong gamit at aling mga salita ang mahalagang nakikilala o natutukoy ng mga mag-aaral kapag sila’y nakikinig o nagbabasa. Kaya sa 19

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

pagtuturo ng talasalitaan, hindi kailangang bigyan ng magkakaparehong diin ang mga salitang nililinang. Upang lubusang malinang ang aktibong talasalitaan ng mga mag-aaral, kailangang maglaan ang guro ng mahabahabang panahon para sa pagbibigay ng mga halimbawa, pagbibigay ng mga tanong at paglikha at paglikha ng mga pagsasanay kung saan magagamit ng mga mg-aaral ang natutunang mga bagong salita. Madaling maituro ang mga pasibong talasalitaan. Halimbawa, maaaring himukin ang mga mag-aaral na hulaan ang kahulugan ng isang salita ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Dapat ding ipabatid sa mga mag-aaral na hindi nila kailangang alaming lahat ang kahulugan ng mga salitang makahaharap nila sa araw-araw. Sa halip, kinakailangang marunong silang pumili ng mga salitang sa palagay nila’y kapaki-pakinabang. Higit pa rito,

malamang na makatagpo ang mga mag-aaral ng mga salitang palagay nila’y mahalaga para sa kanilang

personal na pangangailangan, ituro man ito o hindi ng guro. 20

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ang mga salita at pagpapakahulugan sa mga ito. Maraming dapat alamin ang guro tungkol sa kalikasan at katangian ng mga salita kung nais niyang maituro nang mahusay ang talasalitaan. Talakayin sa bahaging ito ang ilang konsepto o kaisipan na may kaugnay sa mga salita at ang kanilang taglay na kahulugan. 1.  Denotasyon - Kung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang kahulugan nitong konseptwal, iyong kahulugang nag-uugyan dito sa isang bagay, tao, lugar o pangyayari. Ito ang tinatawag nating kahulugang denotatib. Halimbawa, ang denotasyon ng salitang bahay ay isang tirahan-isang gusali na itinayo para tirahan ng tao. Nanatili ang kahulugang ito kahit na sa iba’t

ibang konteksto. Ang denotatibong kahulugan ay ipinalalagay na sentral o pangunahing kahulugan ng isang talasalitaan. 2.  Konotasyon-Bukod sa kahulugang denotatibo, ang isang salita ay maaaring magtaglay ng mga pahiwatig na emosyunal o pansaloobin. May mga salitang nagtataglay 21

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

ng positibo o negatibong konotasyon. Samantalang ang iba’y maaaring neutral ang kahulugan. Suriin natin ang

mga salitang panukala at panaka na parehong ngangangahulugan ng isang proyekto o proposisyon. Kung ang panukala ay may posotibong konotasyon, negatibo naman ang pahiwatig ng salitang pakana.

Ang pagpapakahulugan ng konotatibo ay maaaring magiba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang tao. Halimbawa, ang mga salitang dagat ay maaring magkaroon ng iba-ibang pakahulugan tulad ng malawak, tahimik, masungit, mapanganib atb. Mayroon ding pagpapakahulugang konotatibo na kaugnay sa sosyo-kultural na kaligiran na ikinakapit ng isang pangkat ng tao sa isang aytem na leksikal. Ang kulay pula, halimbawa, ay may konotasyon ng kasaganaan at magandang kapalaran para sa mga Intsik, samantalang sa ibang tao, ito’y maaaring maghudyat ng panganib o di kaya’y

pagsalakay.

22

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

3.  Salita sa Maraming Kahulugan(Polysemy)- May mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng dalawa o mahigit pang kahulugan. Polysemous ang tawag sa mga salitang ito. Kung babasahin o di kaya’y maririnig natin ang salitang kamay, agad pumapasok sa ating isipan na ito’y bahagi ng ating katawan. Ngunit maaari

itong magtaglay ng iba-ibang kahulugan gaya ng mga sumusunod na halimbawa: kamay na bakal, mahabang kamay, malikot na kamay at iba pa. Samakatwid, hindi sapat na masabi ng mga-aaral ang kahulugan ng salita ayon sa pgkakagamit nito na nagpapakita ng isang dimension ng kakayahang komunikatibo sa mga mag-aaral.

Ang Pag-uugnay ng mga Salita 1.

Kasingkahulugan- May mga salita na halos pareho ang

kahulugan. Kung ang isang salita ay may kahulugang katulad o halos kasingkahulugan ng isang salita, gaya ng yungib at kweba, magkasingkahulugan ang tawag sa mga salitang ito. Iba pang mga halimbawa: 23

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

a.  Magsagupa-mag-away b.  Namataan-nakita c.  Mapintog-matambok d.  Bagwis-pakpak e.  Suhay-tukod f.  Supling-anak g.  Sukab-taksil h.  Mandambong-magnakaw Ngunit dapat linawin sa mag-aaral ang lawak ng gamit ng mga salitang magkakasingkahulugan. Halimbawa: may magkakasingkahulugang salita na hindi maaaring magkapalitan sa gamit tulad ng matangkad at matayog. Matangkad ang babae. Matayog ang puno.

2.  Magkasalungat- Ang mga salitang kabaligtaran ng kahulugan ng isang salita ay sinasabing kasalungat na salita. Halimbawa:

24

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Komplimentaryo

Mga naaantas/Nasusukat

Tugunang

salita Lalake-babae

malaki-maliit

magbigay-

malamig-mainit

bumili-

mataba-payat

limot-tandaan

tumanggap Buhay-patay magbili Puti-itim

Ang mga salitang magkasalungat ay mauuri natin bilang komplimentaryo, mga naantas o nasusukat at mga tugunang salita. 3.  Mga Hayponim ( Hyponym) 4.  May nga salita na magkakaugnay sa kahulugan kaya’t ang kahulugan ng isang salita ay maaring sumaklaw sa kahulugan ng iba pang salita, iyon nga lamang mas pangkalahatan ang kahulugan ng isang salaita kaysa karamihan. Halimbawa, sa salitang muwebles, kasama nito ang tiyak na salitang silya-ito ang tinatawag na hayponim. Ang tawag naman sa salitang muwebles ay superordineyt.

25

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ayon sa teoryang National – Functional Syllabus ni David Wilkins Higas at Clifford (1992)

mula sa aklat ni

Badayos (1999), upang matamo ang kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isinaalang-alang

ang pagtatalakay sa

mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit ng teksto.

Ang National Reading Panel (NRP) ay pinagsama-sama ng isang ulat (National Institute of Child Health at Human Development, 2000) sa pagkilala at pag-aaral sa bokabularyo bilang isa sa limang kilalang mga bahagi ng proseso ng pagbabasa. Ang isang paraan upang suportahan ang bokabularyong pag-unlad at pag-unawa sa kahulugan ng salita ay sa pamamagitan ng paggamit ng kontekstong

pahiwatig.

Ayon sa isinumiting pag-aaral ni Weli Surya Kencana pinag-aralan niya ang pagpapabuti ng kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng Kontekstwal klu. Dito tinalakay ang mga kasanayan sa pagbasa sa tulong ng paggamit ng "kontekstwal

26

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

klu o pahiwatig sa paghahanap ng kahulugan ng hindi pamilyar na salita.

Ang pag-aaral ni(Lapp at Baha, 1997) ay nagsasad na ang isang paraan upang suportahan ang pagkilala ng salita at kahulugan ay sa pamamagitan ng paggamit ng kontekstong pahiwatig. Ang

Context clues ay maaaring makatulong sa

kahirapan ng mambabasa sa pagbuo, pagkilala at pag-unlad ng mga kahulugan ng salita.

Pagbasa; Kahulugan , Proseso , Katangian at Teorya

Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.

Proseso at Katangian 1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na 27

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa. 2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. 3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa. 4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

Teorya 1. Teoryang Bottom-up Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto. Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) 28

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptuallydriven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto. 29

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

3. Teoryang Interaktib Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bidirectional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang Iskima Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat 30

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

31

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Kabanata 3  Metodolohiya DISENYO AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pagaaral, pook na pinangyarihan ng pag-aaral, ang mga tagtugon, teknik sa pagpili ng tagatugon, ang bilang ng tagatugon, talatanungan, paraan ng pagkalap ng mga datos at pag-aanalisa ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Quasi-Experimental Design upang malaman ang antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang kontekstwal klu. Ayon sa aklat na “ Research Based Teaching and Learning” nina Rosita L. Navarro, Ph.D. at Rosita G. Santos

Ph.D (2011), ang Quasi-Experimental Design ay isang pagaaral kung saan ang mga tagatugon ay pinag-aaralan sa dalawa o mahigit pang kondisyon o kalagayan ngunit walang 32

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

control na nagaganap. Sa pag-aaral na ito, ang mga tagatugon ay binigyan ng pre-test na sinundan ng pagtuturo at panghuli ay binigyan ang mga tagatugon ng post-test. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay upang maikumpara ang resulta ng pre-test at post-test. (Salin mula sa aklat na “ Research Based Teaching and Learning” nina Rosita L.

Navarro, Ph.D. at Rosita G. Santos Ph.D 2011). Ang paraang Quasi-Experimental ay kapakipakinabang na metodo sa pagbibigay-impormasyon o kaalaman na maaring pagbatayan ng maagham na paghatol. Ito’y paraan ng pananaliksik upang subukin ang mga palagay o ipotesis.

Pook na Pinangyarihan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Fisheries and Marine Science High School, Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Tagatugon

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga magaaral sa ikapitong baitang seksyon Dolphin ng Fisheries and Mrine Science High School sa taong panuruang 2016-2017. 33

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Bilang ng Tagatugon

Ipinakikita ng manghad 1 ang bilang ng tagatugon sa pag-aaral na ito. Manghad 1 Profayl ng mga Tagatugon Seksyon

F

%

Dolphin

32

100

Kabuuan

32

100

Teknik sa Pagpili ng Tagatugon

Random Sampling ang teknik na ginamit sa pag-aaral na ito upang makabuo ng kinakailangang sampol. Ang mga tagatugon ay binubuo ng tatlumpung (30) mag-aaral sa unang taon.

Talatanungan

Ang talatanungang gagamitin sa pag-aaral na ito ay nahahati sa tatlong

bahagi. Ang unang bahagi ay naglalaman

ng mga personal na datos ng tagatugon. Dito makikita ang

34

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

pangalan ng tagatugon, petsa ng pagsusulit at pangkat na kinabibilangan ng tagatugon. Ang ikalawang bahagi ay ang pagtukoy sa kahulugan ng mga salita sa tulong ng maraming pagpipilian.

Paraan ng Pagkalap ng mga Datos

Bago isakatuparan ang pag-aaral, ang mananaliksik ay sumangguni sa mga guro sa Filipino at nanghiram ng mga aklat na may kaugnayan pagpapakahulugan, teknik, pagbasa at context clues. Pagkatapos, ang mananaliksik ay nagkalap ng mga matatalinhagang salita o salitang may malalalim na kahulugan na may kaugnayan sa koridong ibong adarna at mga impormasyon na hinango sa iba’t ibang aklat, internet at

iba pang talatanungan. Pagkatapos ay gumawa ang mananaliksik ng talatanungan na susukat sa antas ng pagpapakahulugan ng mga salita. Matapos maihanda ang lahat ng mga kinakailangan, ang mananaliksik ay nagpadala ng liham-pahintulot sa Punongguro ng Fisheries and Marine Science High School.

35

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Nagbigay ng paunang pagsusulit (pre-test) ang mananaliksik at pagkatapos ito’y iniwasto. Pagkaraan ng

ilang araw, ang mananaliksik ay bumalik upang ituro sa mga tagatugon ang paggamit ng context clues sa pagpapakahulugan ng mga salita at nagbigay ng katapusang pagsusulit (posttest). Magkaparehong pagsusulit ang ibinigay ng mananaliksik sa paunang pagsusulit( pre-test) at katapusang pagsusulit (post-test). Sinuri ng mananaliksik ang mga naging resulta, binigyan ng interpretasyon at pagpapahalaga.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga datos ay tinuos sa pamamagitan ng computerprocessed statistical analysis sa pamamagitan ng Statistical Package for the Social Sciences Software. Inalam ang weighted mean o karampatang tuos, standard deviation at t-test upang mabatid ang makabuluhang epekto sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang context clues. Nasa ibaba ang mga iskalang ginamit sa pag-aaral na ito.

36

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Iskala

Tugon

20.01-30.00

Napakahusay

10.01-20.00

Mahusay

0.00-10.00

Di- Mahusay

Narito ang kahulugan ng mga puntos. Ang “napakahusay” ay nangangahulugang higit na naging

epektibo at may kabuluhan ang pagturo ng context clues bilang teknik sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang “mahusay” ay nangangahulugang naging epektibo ang

pagturo ng context clues bilang teknik sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang “di mahusay “ ay nangangahulugang hindi

naging makabuluhan ang pagturo ng context clues bilang teknik sa pagpapakahulugan ng mga salita.

Mean-ito ay ginamit upang malaman ang antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga salita gamit ang

37

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

context clues nang magbigay ng paunang pagsusulit at katapusang pagsusulit. Satanadard Deviation- ito ay ginamit upang tiyakin ang dispersion ng mga iskor ng mga mag-aaral o mga tagatugon. t-tests- ito ay ginagamit upang malaman ang pagkakaiba ng antas ng kahusayan sa pagpapakahulugan ng mga magaaral bago at pagkatapos gamitin ang context clues.

Kabanata 4  Mga Kinalabasan ng Pag-aaral

Inilalahad ng pag-aaral sa kabanatang ito ang deskripsyon ng resulta batay sa mga datos at istadistikang pagtatalakay.

38

 

 

Republic of the Philippines ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES COLLEGE OF EDUCATION 

Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo

Ang kinalabasan ng pag-aaral ay nagpapakita ng paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Fisheries and Marine Science High School( Penguin at Dolphin)

sa pagpapakahulugan ng mga salita

gamit ang context clues. Ang mga resulta ay ipinapakita sa manghad 2 at manghad 3.

Pagpapakahulugan ng mga salita ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang (Penguin at Dolphin) ng FMSHS Bago at Matapos ang Pagtuturo. Ang resulta ng pagtuturo ay nagpapakita ng pagtaas ng mean score ng mga mag-aaral na nakalarawan sa manghad 2. Ang mean score sa pre-test

39

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF